“Miss Ang, what is the f(x) here?” Tanong ng teacher namin. Huhu, hinde kasi ako nakikinig eh.
“Ano po miss… Ano… hehe..” Sabi ko sabay kamot sa batok ko.
“Hinde ka na naman nakikinig. Eto, detention slip.” Sabi niya. Eto na naman ako. Paglilinisin sa cafeteria. Yuck. Wala akong magawa kundi kunin ang slip at lumabas. Pumunta na ako sa prefect namin at pinakita sa kanya ang slip.
“Detention again, Ms. Clerisse Ang? Collector ka na ng detention slip ng klase niyo ah.” Sabi ni sir habang pinipirmahan ang slip.
“Wala naman po akong magagawa eh. Always and forever na ata po to sir.” Sabi ko sa kanya.
“Bakit kasi tamad ka.. Yung mommy at daddy mo, alumni sila ng school na to pero hinde sila nadetention kahit na isang beses lang.” Nagsigh na lang ako. Laging ganyan din ang sinasabi ng ibang teachers sa akin sa tuwing madedetention ako.
“Okay. Sa cafeteria ka.” Sabi ni sir. Napapikit ako. Huhu, hinde ko sukat akalain na dun na naman ang bagsak ko. Kadiri. Ang yaman yaman ko tapos paghuhugasin ako ng plato sa cafeteria lang? Kaloka.
Nang buksan ko ang pintuan ng prefect, may bumungad sa akin na mukha. Isang mala-anghel na mukha na sa tuwing nakikita ko’y tumatalon ang puso ko. Nagniningning ang kanyang mga mata at ang mga labi niya ay unti-unting nagcurve at nagform ng smile.
“Hey, Miss Ang. Are you okay?” Bumalik na ang katinuan ko nang nag-snap siya ng finger sa harap ko.
“Ahm.. A-ah y-yeah. I’m fine. Mr. Bautista.” Sabi ko. Kahiya! Baka makahalata siya na may gusto ako sa kanya.
“Naging suki ka na ng prefect ah? Laging nadedetention?” Tanong niya. Nakakahiya! Kasi naman, lagi na lang ako nadedetention eh. Nalaman niya pa tuloy. Wala akong magawa kundi ang lumabas na lamang at iwang nakabukas ang pintuan.
Mayamaya pa’y…
“WHAT?! You’re giving me a detention slip, Mr. Bautista?!” Sigaw ni sir. Napalingon tuloy ako. Ang crush ko na yun, nakahawak ng detention slip?! What the hell!? Never pang nadetention siya noh!
Dali-dali akong bumalik ng prefect at nagtago sa likod ng pintuan at nakinig sa usapan nila.
“Bakit kasi natutulog ka sa klase, Tyrone? Never ka namang ganyan ah!” Sigaw pa rin ni sir.
“Ugh. Stop shouting, Mr. Valdez. It’s so annoying.” Sabi ni Tyrone.
Kasi naman, Isang Tyrone Bautista, na matalino, sikat sa school, heartthrob ng school, na valedictorian.. Nadetention?! And did I heard it right? Natulog siya sa klase?!
“Okay.. Sa cafeteria ka.. Together with Ms. Clerisse Ang.” HUWAW!! Ang swerte swerte ko naman ngayon! Makakasama ko ang love of my life ko!! Wahh!! Labs, okay lang yan! Andito naman ang wifey mo eh. Hehe!
Nakita kong papalabas na siya kaya naman tumakbo agad ako papuntang cafeteria para kunyari naglilinis na ako.
BINABASA MO ANG
Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)
Fiksi RemajaKung magkakaroon ka ng crush, what would you do para mapa-saiyo siya? Si Clerisse? Gagawin niya ang lahat para lang mapa-sakanya si Tyrone, ang lalaking matagal niya ng pinapangarap. (Started: June 16, 2013 - Ended: December 25, 2013) FINISHED || UN...