♥ Chapter-o1√

11.3K 206 42
                                    

---*

SAMANTHA

"Magandang umaga sa mahal kong Mamang, na ubod nangg kasexyhan at umaapaw ang kagandahan." Pagbati ko sa aking mahal na ina.

"Makakalimutan ko ba ang lalaking hindi lang gwapito at macho, kundi siya rin ang dahilan kung bakit ako naririto sa mundo. Magandang buhay mahal kong Papang." Pagbati ko naman sa mahal kong ama.

Ako nga pala si Samantha Baek, 19taon gulang, Malambing at Mapag mahal na anak. Meron naman din akong taglay na kagandahan at kurti ng katawan.

Pero ako lang ang nakaka alam.

Iisang anak lang ako. Ewan ko ba kay Ama at Ina, hindi na naisipan gumawa ng panibago anghel para may kapatid na ako.

"Hayy, Naku! Napaka bolera ng aming mahal na anak." Ani ni Ina sabay kiliti saakin.

"Napaka lambing lambing mo talaga anak. May balak kana ba mag-asawa?" Natatawang tanong ni ama.

Siguro, Kung di ko lang ito Ama, kanina ko pa 'to na pektusan. Just kidding.

"Papang naman, Ang bata-bata ko pa para sa mga ganyan bagay. Work muna bago ang asawa na yan. Haha." Patawa kong sagot kay Ama.

Totoo yon. Mas importante ang kinabukasan namin mag pamilya kesa unahin ang Lovelife chuchu.

"Mabuti naman kung ganun anak. Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na pag sinubo mo. At pag napaso ka ay bigla mo na lang ito iluluwa." Pasingit na sabi ni ina.

Hayy, naku! Kung alam lang nila, na wala akong balak mag-asawa. Dahil sa ano basta! Wag nga kayo chismosa. Malalaman nyo din sa tamang panahon. lels.

"Mang at Pang, alis na po ako. Baka malate nanaman po kasi ako e. Ay. Palagi po pala akong late. Hihi. Bye."

Mahal na mahal ko ang aking mga magulang. Higit pa sa pag mamahal ko sa aking sarili dahil sila ang dahilan kung bakit naririto ako sa mundong ito. Nagpapasalamat din ako dahil sila ang naging magulang ko.

Pumara na ako ng taxi para mas mabilis ang biyahe ko. For sure sermon nanaman ang abot ko kay Boss. Hayss.

Walang araw atang hindi ako nalelate e dahil sa traffic. Kasalanan ko naman din kasi late na din ako nagigising, ang kaso agahan mo man o hindi, natural na talaga ang traffic.

Kagaya na lang ngayon.

"Manong, Baba na lang po ako. Usad pagong nanaman e."

Bumaba na ako ng taxi. Syempre nag bayad na muna ako. Hindi ko ugaling mag 1 2 3 sa sasakyan. Masama yon.

Maglalakad na lang ako. Baka sakaling magka milagro.

Sa totoo lang? Tinatamad na ako mag trabaho. Kaya guro madalas na akong late. Kunti pa lang kasi ang naiipon ko. Gusto ko na uli bumalik sa pag-aaral. Iba parin kasi kapag graduate ka ng kolehiyo. May trabaho kang mas magandang mapapasukan. At mas mataas na sahod. Hindi naman ako mapang hangad. Gusto ko lang kasi na habang bata pa lang ako, may nakikita na akong pinag hirapan ko.

Andito na pala ako sa office. Hindi ako umabot. Late parin ako. Hays.

Malayo pa lang ako ay kitang-kita ko na ang naka pamiwang at taas kilay kong kaibigan na si Ruth.

Pinaka matalik ko na kaibigan si Ruth. Siya din ang dahilan kung bakit ako naka pasok dito sa TPG, Malakas kasi ang kapit neto kaya nahired ako kahit undergrad lang ako. Bukod don, siya din madalas manermon saakin. Lagi daw kasi akong late.

Love Complicates Everything (GxG) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon