---*
Lakad-Lakad lang kami.
Kailangan ko ng ice cream. Kailangan ko ng sapat na tapang para ma i-open ko sa kanila itong kabaliwan ko.
Andito kami ngayon sa 2nd'Floor ng Mcdo. Wala naman masyadong tao.
"Mga bessy, may itatanong ako at saka may i-open na din ako sainyo." Panimula ko sa kanilang dalawa.
"Ayusin mong seryosong usapan 'to Sam ha? Kundi, Naku! Ihahagis kita pababa." Pabirong sabi ni Ruth.
"Sige lang. Huwag lang math Sam ha? Alam mo naman na loyal ako, kaya nga 1 lang boyfie ko. Haha." Natawang sabi ni Queeny.
Medyo nababawasan na yung tensyon na nararamdaman ko. Open-minded naman ang dalawang ito. Kaya ano ba ang kinakatakot ko? At tsaka ako ang matapang saamin tatlo. Yeah!
"Ang tanong ko.." Huminga muna ako ng malalim bago mag salita uli. "Makinig kayong dalawa ha? Diba normal lang naman ang humanga sa kapwa natin babae?" Seryosong tanong ko.
"Oo. Humahanga ka dahil sa mas maganda siya sayo, mas sexy siya sayo, mas matalino siya sayo, mas may ibubuga siya sayo." Sagot ni Ruth.
Poink'!
.
Poink'!"Aray naman. Grabe naman kayong dalawa sa akin Queeny at Sam, Para saan ang batok na yun?" Kamot ulong tanong ni Ruth.
"Insecure yan sinasabe mo. Hindi pag hanga. Luga ka!" Sabay namin sabi ni Queeny.
Nakaka-loka. Hindi ko talaga malaman kung sino ba ang pinaka abnormal saamin tatlo.
"Sam? Hindi naman talaga masama. Bakit ? Wag mo sabihin na crush mo ako? O di kaya si Ruth ? Pfft!" Nag pipigil na tawang sabi ni Queeny.
"Oo nga Sam. Bakit mo pala na tanong yan ha? Gandang ganda ka naman saamin ni Queeny. Hahahaha." Singit ni ruth.
"Gusto niyong lumayas na lang Ako. At kayo na lang mag bayad ng mga sandamak-mak na order ninyo." Pag mamaldita ko. Kakainis kasi e.
Sabay pout naman silang dalawa. Hayy, Naku! Mga kaibigan ko talaga, may pinag manahan.
"Ano kasi.. Ganito.. Makinig kayong dalawa ha? Diba kahapon pauwi na ako. Meron akong naka banggang babae. Ewan ko. Basta nag mamadali ata siya kaya hindi na niya ako napansin. E, Alam niyo naman na kapag Ako naglalakad. At naka earphone wala nang pake sa paligid." Pag sasalaysay ko sa kanila. "Tapos ayun na nga, nagka banggaan kami. Kasing tigas kamo ng bato yung noo nya. Tapos.." Lunok laway na muna ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang salitang ito. Bahala na. "Tila nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam." Pag dugtung ko.
"Anong kakaiba naman yan.?" Pareho tanong ni Queeny at Ruth.
"Like.. Meron akong naramdaman na pang hihinayang, sapagkat hindi ko manlang naitanong ang kanyang pangalan, na tila parang na hypnotize ako sa mga mata niyang kumikanang. Bigla na lang ako napatulala. Tapos alam niyo naman na sa tuwing mauutal ako, ay pag crush ko lang yung kaharap ko. Ganun. Ni hindi ko nga mabigkas ng maayos ang salitang 'OPO' At saka yung puso ko ambilis ng pag tibok." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Love Complicates Everything (GxG) [EDITING]
Humor[ Highest Rank #7 in Humor ] si Samantha ay isang mapagmahal na anak at mabait na kaibigan. Hindi rin siya naniniwala sa destiny chuchu na yan. Dahil para sa kaniya isa lamang yon kathang isip. At higit sa lahat. Isa lang rin siya sa mga nabiktimang...