---*
Samantha.
Naiwan na ako dito mag-isa. Sino kaya ang babaeng yun? Bigla na lang kasi siya sumulpot sa tabi ko. Nakakahiya nga e, sa kanya pa ako nag labas ng hinanakit. Pinahiram niya pa ako ng panyo. Napaka buti naman ng taong yun. Pero, yung mukha niya ay masyadong familiar saakin -.-"
Imposible naman si..
Naku! Samantha baek! Baliw ka na talaga. Kong sino-sino pinag iisip mo hmmp. Pero salamat sa kanya. Nabawasan ang bigat na naramdaman ko. Sana magkita pa kaming muli. Para maibalik ko itong panyo sa kanya. Labhan ko na muna. Nakakahiya kaya.
Hindi parin mawala sa isipan ko si jho. Mahal na mahal ko siyang talaga. Pero bakit kaya niya ako iniwan? :( ano kaya ang totoong dahilan. Para daw sa ikakabuti?? Urgh! Hindi na lang niya sinabe saakin ang totoo. Maunawaan ko naman kong ano man yun ee.
Hindi ko naman maiwasan ang maluha. Pag naiisip ko na wala na siya. Wala na ang taong mahal ko, sa kanya na kasi umikot ang mundo ko. Sana naman makaya ko ang pag-subok na 'to.
Sinubukan kong tawagan siya. Ang kaso, out of coverage na ang phone niya. Bakit jho? Bakit :(
May pa WIM, WIM ka pang nalalaman. Walang iwanan mahal? Asan kana ngayon ha? Iniwan mo ako sa ere jho!!!
Kong sino pa ang siyang nag sabi na walang iwanan, siya pa pala itong unang mang iiwan. Nilamon niya ang salitang binitawan niya.
Dito kami dalawa nagka aminan, dito rin kami nag hiwalay T^T
Kaka umpisa pa lang ng storya natin dalawa. Bakit natapos na lang bigla? Ano ang nangyare sa atind dalawa? Ako ba itong nag kulang? O ikaw ang hindi lumaban, sa ating pag subok sa ating pag mamahalan? :(
Andaming tanong sa isipan ko na hindi ko alam kong sino ba ang makakasagot. Maski nga ang self ko hindi ako maintindihan.
After 1234 years na pag lalakad. Andito narin ako sa bahay. Hindi pwede mahalata ni ina at ama na mugto ang aking mga mata.
Pag sara ko ng gate, napansin ko naman si ama naka tayo sa pinto. Ang malas ko naman talaga ooh. Kaya ginawa ko, yumuko na lang ako para hindi ako mahalata.
Nung makalagpas na ako. Ang mamang nasa sala. Pero bago pa man yun, tinawag ako nang papang. Hindi ko siya nilingon pa. Agad naman ako tumakbo pa akyat sa kwarto ko. Agad-agaran ko naman nilock ang pinto.
Humiga ako sa kama ko at niyakap ko nang mahigpit ang unan ko. Hindi ko na naman mapigilan umiyak ng umiyak.
"Sam? Sam? Anak. Ayos ka lang ba?" Si mamang.
"Buksan mo ang pinto anak. Ano ba ang nangyare ha?" Si papang.
Nakakainis naman kasi itong luha ko, napaka killjoy masyado. Kong kailan niya gusto mo pumatak. Papatak siya. Kainis!
"Samantha. Anak, ano ba? Hindi mo ba kami kakausapin?" Si papang ulit.
Mukhang nag-aalala talaga sila sa akin ng sobra. Ang papang at mamang ko huhu. Pero, ayukong makita nila ako na ganito ang itsura. Nakakainis ba naman luhang ito. Ayaw tumigil sa pag agos, na parang gripong sira. Alam ko pag galit na si ama, tinatawag niya ako sa bou name ko. Pinunasan ko muna ito luha ko, saka ako tumayo para buksan ang pinto. Naka yuko lang ako at bumalik ulit sa pagka higa.
BINABASA MO ANG
Love Complicates Everything (GxG) [EDITING]
Humor[ Highest Rank #7 in Humor ] si Samantha ay isang mapagmahal na anak at mabait na kaibigan. Hindi rin siya naniniwala sa destiny chuchu na yan. Dahil para sa kaniya isa lamang yon kathang isip. At higit sa lahat. Isa lang rin siya sa mga nabiktimang...