---*
Third Person.
Dahil nga sa dakilang stalker ako ni sam. Kong saan man sila mag punta ni jho, andoon rin ako. Oo, ganun ako ka patay na patay kay sam. Masisisi ninyo ba ako. Kong gusto ko lang mapanatag na ayos lang siya, kong masaya ba siya. Hindi naman sa wala akong tiwala kay jho, sadyang mahal na mahal ko lang si sam. Mabuti na nga lamang at nasundan ko silang dalawa. Andito ako ngayon sa seaside. Nasaksihan ko ang lahat ng pangyayare. Gusto ko sugurin si jho at pag sapak sapakin hanggang sa mawalan siya ng malay. Kulang pa yun sa pang-iiwan niya kay sam! Ano naman kaya ang dahilan niya.
Nag hahalo ang naramdaman ko ngayon. Hindi ko maintindahan ang sarili ko urrgh!!!
Masaya ako, dahil sa hiwalay na sila. May pag-asa na kami dalawa ni sam. Magagawa ko na siyang pasiyahin,pangitiin,protektahan.
Naiinis ako. dahil nakita ko siya umiiyak. Ngayon ko lang siya na kita ng ganyan. Hindi ko naman magawang lapitan siya dahil sa past. :(
Mahal na mahal niyang talaga si jho. Hindi ko maiwasan na maka ramdam ng inggit. Inggit na sana ako na lang ang mahal na mahal niya.
Napansin ko nama na umalis na si jho. Nangigigil talaga ko sa kanya. Pero salamat na lang rin sa kanya, dahil may pag-asa na kaming dalawa ni sam. Huwag na sana siyang babalik. Akin na si sam. Hindi ko na hahayaan pa na maging silang dalawa. Selfish na kong selfish. Pag nag mahal tayo. Kahit alam natin mali na, para saatin ay tama parin.
Naka disguise ako ngayon. Sana lang hindi niya ako mamukhaan. Marami narin ang nag bago maka-lipas ang dalawang taon na yun. Pero ang pag mamahal ko sa kanya ay kailanman ay hindi yun nag bago. Mas lumalim pa nga e.
Mabuti na lang nga't wala gaanu tao dito sa seaside. Actually, ang mga tao dito pinalayas ko na ng masolo ko si sam.
Napaka daya-daya mo jho! Akala ko ba, ipag lalaban mo ako. Pero ano 'to?? Iniwan mo ako. Mahal na mahal kita. Alam mo naman yun diba?? Hindi mo na lang sana pinaramdam na special ako sayo. kong ganito lang pala gagawin mo.
Sigaw ni sam habang umiiyak. Ang mga mata niya magang maga na. Gusto ko siyang yakapin. Para mapawi ang sakit na naramdaman niya. Kong ako na lang sana ang minahal mo sam. Hindi ka iiyak ng ganyan.
Napaka bilis mo naman bumitaw. 2buwan pa lang tayo tapos heto wala na agad tayo. Minahal mo ba talaga ako ha?! Kong minahal mo kasi talaga ako. indi mo gagawin saakin ang ganito. Ang puso ko, pinagkatiwala ko sayo. Pero ano ginawa mo?! Winasak mo. Durog na durog jho!! Sana pinatay mo na lang ako.
Ano bang dapat kong gawin?? Shit naman ooh! Hindi naman pwede, na pag masdan ko lang siya habang umiiyak.
Lumapit ako sa kinakaupuan niya. Wala parin tigil ang pag buhos ng mga luha niya.

BINABASA MO ANG
Love Complicates Everything (GxG) [EDITING]
Humor[ Highest Rank #7 in Humor ] si Samantha ay isang mapagmahal na anak at mabait na kaibigan. Hindi rin siya naniniwala sa destiny chuchu na yan. Dahil para sa kaniya isa lamang yon kathang isip. At higit sa lahat. Isa lang rin siya sa mga nabiktimang...