---*
Jhovelyn.
Bigla ako nagising, dahil sa sinag ng araw. Umaga na pala. Pag tingin ko sa orasan 10am na.
Napansin ko naman, ang unan ko na basang-basa ng luha at yung mata ko na namamaga.
Tinignan ko rin yung cellphone ko, may 50misscall at 10 text.
Napaka daming tawag at text ni wim saakin :( so, totoo nga ang lahat ng nangyare kagabe huhu.
Hindi ko na naman napigilan ang pag iyak-iyak ko. Ang bigat nang pakiramdam ko, gulong-gulo rin ang isipan ko, Hindi ko alam ang gagawin ko, Nalilito na ako.
Ayaw ko namang mag hirap siya, ayaw ko rin namang mawala siya sa buhay ko.
Pero ano nga ba ang gagawin ko? Napaka dehado ng sitwasyon ko.
"Princess." si mom naka silip sa pinto. "Pwede bang pumasok?" Tumango-tango ako. Lumapit naman siya sa higaan ko. "Sorry princess." Sabi pa ni mom, sabay yakap saakin ng mahigpit. Hindi ko na naman mapigilan umiyak. "Sssssh! Princess tahan kana." Hinihimas niya ang buhok ko.
Gusto ko na lang mag laho na parang bula, para hindi ko na maranasan ang ganitong pag subok. Hindi ko kayang iwan si sam, siya na ang buhay ko at siya rin ang dahilan kong bakit ko na gagawa ang mga bagay na hindi ko nagawa nang dati ako.
Naka tulog pala ako. hindi ko na namalayan wala na si mom sa tabi ko. Hindi ko alam kong saan pa ako huhugot ng lakas.
Bigla naman umilaw 'tong phone ko. Agad ko naman tinignan kong sino.
Sino pa nga ba, ed si sam ays :(
Mas na guilty ako sa pag titiis ko sa kanya. hindi ko kasi alam ang gagawin ko :( mas piliin ko bang iwanan siya? Dahil yun ang tama o ang ipag laban ko siya at ang kapalit ay ang pagka wala nang lupain nila at mawala naman kay dad ang academy huhu.
Binasa ko lahat ng mga message niya, pero isa lang ang nagpa sikip ng dibdib ko.
FROM :
- WiM💕 -
Goodmorning mahal na mahal ko, alam mo bang miss na kita. Walang minuto at segundo 'di kita naiisip at na aalala, kong kumain kana ba? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nagpapabaya. Ilan oras pa lang nakakalipas. Pero parang 1buwan na kitang hindi na kikita :( sana umayos na yan pakiramdam mo wim. Miss ko na ang ka cornyhan mo, paging clingy mo saakin kahit maraming tao, yakap mo na pumapawi ng lungkot ko at ang mismong ikaw na minahal ko. Hindi ko kakayanin pagka nawala ka sa buhay ko wim :'( mahal kita, mahal na mahal. Huwag mo akong iiwan ha :* i Love you very much much<3
BINABASA MO ANG
Love Complicates Everything (GxG) [EDITING]
Humor[ Highest Rank #7 in Humor ] si Samantha ay isang mapagmahal na anak at mabait na kaibigan. Hindi rin siya naniniwala sa destiny chuchu na yan. Dahil para sa kaniya isa lamang yon kathang isip. At higit sa lahat. Isa lang rin siya sa mga nabiktimang...