♥ Chapter-35√

1.6K 42 3
                                    

---*

Shane.

Hindi parin ako makapaniwala na magagawa yun ni jho kay sam. Pero, bakit parang may nag sasabi saakin na hindi sinasadya ni jho na masaktan si sam. Aiish!

Bago siya umalis, hinabilin niya pa nga na huwag ko pabayaan si sam.

Mahal kita pero,

Mahal kita pero,

Mahal kita pero ooh!

"Pusang galang malandi!" Bigla na lang ako napasigaw.

"Pakanta-kanta ka pa kasi, sa tingin mo ang ganda ng boses mo?" Natatawa niyang sabi.

"Wala kang pake! Ano ba ang kailangan mo? Bigla-bigla ka na lang nasulpot sa bahay ko."

"Napaka taray mo naman" Bigla siyang yumuko. "Oh! Para sayo." May inabot siyang plastic. Ewan ko kong ano laman nito.

"Ano laman nito? Baka naman yung tae mo ito? At iuutos mo saakin, na itapon sa ilog haha." Pagka sabi kong ganun, bigla niya ako binatukan. "Aray naman ee!" Pag reklamo ko.

"Ayaw mo? Akin na nga yan!" Inaagaw niya saakin. Ed binigay ko hindi ko naman alam kong ano ang laman nun. Nung mag balik na ako sa pag-lilinis, bigla niyang inagaw ang atensyon ko. "Shane!" Snob ko lang. "Shaaane!" Pataas ng pataas ang sigaw niya. "Shane! Ayaw mo ba talaga?" Nilingon ko na nga, kakaawa e. Tapos, ay shit! Chocolate yun ah?

"Ito naman, hindi mabiro hehe." Bigla kong agaw sa kanya nung plastic niyang dala na ang laman ay chocolate haha. "Ano ba ang atin ngayon Jhovelyn Chua?" Sabi ko habang binubuksan itong chocolate niyang dala.

"Ayan! Dyan ka magaling!" Sabi niya. Tinaasan ko lang ng kilay. "Shane? Can i ask you a favor? pretty please?" Ang seryoso nang mukha niya.

"Sure! Huwag lang sa pera ha? Alam mo naman nag hihirap ako haha." Pag-bibiro ko pa.

"Shane, aalis na kami papunta canada. Ikaw na muna bahala kay sam ha? Huwag mo siyang hayaan na masaktan na kong kaninu man. May asikasuhin lang ako sa canada. Babalik rin ako." Sabi niya.

Bakas sa mukha niya ang pagka lungkot na magkaka layo sila ng babaeng mahal na mahal niya.

Sana sinabe na lang niya saakin yung totoo. Hindi yung sasabihin niya na huwag ko hahayaan na masaktan si sam, tapos siya pala itong gagawa!

Andito ako ngayon sa gym. Si coach kasi nagpa tawag pa nang meeting. Sana, malaman na ni sam ang tunay na dahilan hue.

Bigla naman nag ring ito phone ko. Pag tingin ko kong sino, si sam pala. Bakit parang tila nakaramdam ako ng kaba?

"Hel-" Hindi ko pa nga natatapos yung pag bati ko ng bigla siyang mag salita.

"Hell-o ma'am? Si Ms. Shane baek po ba ito?" Sabi sa kabila linya. Sino kaya siya?

"Yes! Sino po ito? Bakit nasa inyo ang phone ng pinsan ko?" Nag tataka kong tanong.

"Ako po si nurse kim. Andito po sa emergency room ang pinsan niyo si Ms. Samantha Baek."

Love Complicates Everything (GxG) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon