---*
Samantha.
Pag mulat ko ng aking mga mata. Bakit parang tila mga puti ang aking nakikita? Bakit? Nasaan ba ako? Nasa heaven na ba ako? :(
Lord! Huwag niyo naman sana ako agad kunin ooh. Hindi ko pa nga nakikita si choco ee, hindi pa ako nakapag paalam sa mamang at papang ko, sa dalawang bruha ko na kaibigan, kina king at james lalo na kay shane lord.
Naka pikit ako at hindi ko mapigilan ang pag tula ng mga luha ko. Bakit ba nangayre sa akin ang bagay na 'to? Bakit :( nag mahal lang naman ako.
"Mabuti naman at gising kana." May tinig ako na naririnig. Ano daw ang sabi niya?
Mabuti at gising kana??
Mabuti at gising kana??
So, buhay pa ako? Thankyou lord.
Pag tingin ko, nawala na lang siya na parang bula. Pinikit ko ulit ang aking mga mata. Ang bou kong katawan ay napaka sakit. Wala na ako matandaan sa mga nangyare na kong bakit ako nandito sa hospital? Ang alam ko lang e, nag-usap kami ng dad ni jho. Hindi ko narin tanda kong ano yung pinag-usapan namin.
Pero, isang bagay lang ang alam ko. Kailangan ko ng kalimutan ang taong ng iwan saakin. Ang taong naging duwag sa kanyang nararamdaman. Hindi niya ako pinag laban, iniwan niya na lang ako basta-basta.
Bigla naman ako napa tingin sa pinto. Bigla ako napangite kasi totoo ngang buhay pa ako hehe.
"Sam, Anak" Bigla ako niyakap ni mamang. "Ano ba nangyare? Nagulat kaming lahat na dinala ka raw dito sa hospital dahil sa accidente." Walang tigil sa pag buhos ng mga luha ni ina.
Saka ano daw? Na accidente ako? Yun pala ang nangyare saakin.
Pansin ko naman na umiiyak rin itong si ruth at quenny. Sobra ko nga ata talaga sila pinag alala. :( hindi biro ang nangyare saakin. Bakit kaya wala ako matandaan na kong ano. >.< Nakakakinis.
"Bessy! Sorry." Sabay sabi ni ruth at quenny habang naka yapak saakin.
"Hindi namin alam na wala na pala kayo ni jho." Si quenny.
"Sobra kami nag-alala sayo." Si ruth.
Ang dalawang ito talaga mga napaka drama sa buhay. Pero oo nga nu. Hindi ko pa na open sa kanila yung nangyare saamin ni jho. :(
"Ano ba kayo. Strong ako diba." Pag mamalaki ko. "Sorry ha? Pinag alala ko pa kayo."
Na guilty tuloy ako bigla huhu.
Bigla naman bumukas ang pinto. Nagulat naman ako ng biglang yakap saakin si shane na umiiyak.
"Sam. So..rr..y." Sabi ni shane na umiiyak.
"Sha..ne hi..ndi ako makahinga impakto ka!" Reklamo ko. Aba'y papatayin niya ata ako ee.
BINABASA MO ANG
Love Complicates Everything (GxG) [EDITING]
Humor[ Highest Rank #7 in Humor ] si Samantha ay isang mapagmahal na anak at mabait na kaibigan. Hindi rin siya naniniwala sa destiny chuchu na yan. Dahil para sa kaniya isa lamang yon kathang isip. At higit sa lahat. Isa lang rin siya sa mga nabiktimang...