♥ Chapter-33√

1.4K 50 4
                                    

---*

Samantha.

"Sam! Sam! Anak gising na."

"Mang, maaga pa naman po."

"9am na anak, malate kana."

Hindi ko lang pinansin si mamang nag takip ako ng unan ko.

"Bahala ka kong ayaw mong bumangon. Huwag mo akong sisihin pag nalate ka."

After 10minutes..

Tinignan ko naman itong relo ko. Bigla naman nanlaki ang maliit ko na mata. 9:20am na siomai >.<

Dali dali naman na akong naligo, alam mo yung ligo na 3 buhos lang? Oo, ganun na nga yun.

Pumasok na ako sa banyo, nag bilang pa talaga ako. 1 buhos. Woaah! Napaka lamig naman ng tubig. Napa tingin naman ako sa salamin. Ang mga mata ko ayun namaga sa kakaiyak ko kagabi.

Dahil nga malate na ako. Heto, tapos na agad akong maligo. Nag bihis ako ng madalian. Hindi ko na nga nagawang mag pulbo at mag suklay. Agad naman akong bumaba, para maka kain na.

"Mang bakit hindi niyo naman ako ginising?" Pag dadabog kong tanong at naupo na sa mesa para makapag almusal na.

"Naku! Ginising kita, tulo laway ka nga kanina." Sabi ni inang na nag pipigil ng tawa. Aish!!

"Mang naman ee." Pag iinarte ko hehe.

"Dahan-dahan lang sa pagkain anak." Si papang.

Sarap kasi ng luto ni mamang, kaya ang sigla kong kumain.

"Pang at mang. Aalis na po ako." Tumayo na ako at kinuha na ang bag ko sa upuan. Palabas na sana ako ng bigla naman tawagin ako ni papang.

"Sam ??"

"Po ??" Sabay Lingon ko.

"Asan ang kiss ni papang?" Bigla naman niyang pout. E? Papang ko feeling bagets masyado haha.

Nag flying kiss lang ako sa kanya at kay mamang. Malate na talaga ako. Ang prof. pa naman namin ngayon ay ubod ng taray -.-"

Papasok kaya siya ngayon??

Babawiin niya kaya lahat ng binitawan niya salita kahapon??

Magiging kami pa kaya ulit??

Bigla na lang ako napa buntong hininga. Kong mahal niya akong talaga, hindi niya ako bibitawan.

Agad naman ako nakarating dito sa academy.

Lakad..

Lakad..

Lakad..

Diba siya yung girlfriend ni jho??

Love Complicates Everything (GxG) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon