♥ Chapter-21√

2.5K 88 11
                                    

---*

Jhovelyn.

Nagulat naman ako bigla. Nang mapansin ko na, nasa tabi ko na si shane. Kanina lang iniwan ko sila ni sam tapos ngayon andito na agad siya sa tabi ko? Owaaw

FANTASTIC BABY...

"Mahal na prinsepe. Bakit mo naman kami iniwan ng mahal na prinsesa hahahaha."

Kupal talaga ang taong 'to pssh! Lakas maka prinsepe? Saka ano daw si sam ang prinsessa? Yiee. Keyeg keyeg nemen eke hahaha

Saglitan lang na pag ngite tapos balik sa pagka poker face.

"Ha? Kasi... Ano... Mapang asar ka baka mahalata niya na-" ano nga ba? Na crush ko si sam? Ano naman kong crush ko si sam may masama ba doon? Diba wala hihi choss! Hindi kasi ano, aasarin na naman ako nyan pag malaman nya na crush ko nga si sam. Kahit naman siguro hindi ko sabihin o aminin sa kanya, alam na nya. Ang lakas kaya ng radar ng kupal na yan hahahaha.

"Mahalata na? Crush mo siya? Ayieeeeh hahaha." Sabay takbo naman ang kupal. Naku! Naku! May sapak ata ang ulo ng babae na yun. Masasapak ko na talaga siya. Kunting-kunti na lang -_-

Obvious na ba ako masyado.??

Ed balik ako sa pagiging snob ko sa kanya. Pag dating sa kanya ang kabaitan o kasweetan ko sa kanya ay may expiration haha.

Patuloy parin ako sa pag lalakad nagulat na lang ako biglang may nag salita.

"Bilisan na natin. Andoon na si prof." Nagulat naman ako nung mapansin ko na si sam pala yun nag salita. Pareho talaga sila ng pinsan nyan si shane na bigla bigla na lang susulpot kaloka.

"Pusang gala!!!" Sigaw ko.

Nagulat naman talaga ako, kasi kanina lang iniwan ko sila dalawa ni shane tapos pareho rin sila susulpot sa tabi ko ng bigla.

"Tara na nga, malate na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko. Para akong dahon na nag patangay sa hangin.

Sabay kaming tumakbo pa punta sa classroom. Hindi ko alam yun pakiramdam na naramdaman ko habang hawak hawak niya ang kamay ko. Yung buhok niya na parang dagat na umaalon. Ang corny ko na ba ? Sorry naman daw inlove lang powsz hahaha.

Hindi parin ako naka get over sa nangyare. Nagiging abnormal na naman pag pintig ng puso ko.

Tama nga siya. Kong hindi pa kami tumakbo na dalawa baka nga nalate na kami. May saltek pa naman rin 'to prof namin.

Napapa kanta na lang ako sa isip nun hawak niya kamay ko.

HAWAKAN MO ANG KAMAY KO NG PAGKA HIGPIT....

PAKINGGAN MO ANG TINIG KO..
KONG DI MAPANSIN

IKAW AT AKO OOH.. OOH..
TAYO'Y PINAG-TAGPO..
IKAW AT AKO OOH.. OOH..
DI NA MULING MAGKAKA LAYO.

"Hoy jho! Nasiraan ka na ba ng ulo ??" Napansin ata ni shane na nangingite ako mag-isa. Kahit na kailan talaga panira ng moment.

Hindi ko lang siya pinansin. Kala niya ha. Ganti ganti lang rin nu pag may time hehe. Pasalamat nga siya at hindi ko magawa na upakan siya. Bait ako e choss!

Seryosong nakikinig si sam sa prof namin. Pinag mamasdan ko lang siya. Sana nga lang hindi niya ako mahuli kong 'di patay ka jho.

Discuss..

Discuss..

Discuss..

Salamat naman at natapos na.

Love Complicates Everything (GxG) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon