♥ Chapter-o6√

4.2K 103 20
                                    

---*

Agad naman akong nakarating sa bahay nila, pinsan. Pero sa totoo lang ? Iba talaga 'tong pinsan ko. kahit na mayaman sila, nananitili parin siya humble sa kapwa.

Dingdong..

Dingdong..

Dingdong..

Tagal-tagal naman buksan ng gate jusmeyo! Nilalamok na ako dito. Haha.

"Goodmorning mam Jho. Sorry po kung natagalan ang pag bukas ng gate." Ani ng maid nila, James. Bakas din sa mukha nya ang hiya.

"Ayos lang po yun, manang. Sanay naman na po ako mag-antay ng kay tagal." Sagot ko kay manang sabay ngiti sa kanya.

Bigla naman sulpot ni james.
"Naku! Naku! Ang aga-aga Jho, lakas mo maka hugot. Ibaon kita e. Haha." Inirapan ko naman sya.

Si Manang, nagpgigil ng tawa. Aba!
Ano? napag tutulungan ako dito. Purket mahirap lang kami. HAHA

Ano connect ??

Hayaan mo na bata ka pa naman lilipas din yan. Pfffft!

"Manahimik ka dyan James. Ah!" Pag tataray ko. Ang Aga-aga e. Sinisira masyado ang maganda kong mood.

"Halika na nga't pumasok kana. Ng matikman na natin yan dala mo." Alak na alak talaga 'to pinsan ko. Akala mo naman talaga manginginom. Mabilis naman rin kung malasing. Bwisit.

"Akala mo naman talaga manginginom ka e, madali ka nga masalasing. Haha." Panukso ko.

Hinanda na niya ang maiinum namin at yung pulutan kong dala.

"Umpisahan mo na ang pag kwento jhofinity. Tungkol na naman ba ito sa babae nu?" Natatawang tanong niya.

"Kailangan talaga buong-buo ang pagka bigkas ng pangalan ko ha? JAMES CLARK!" Ayaw ko kasi na tinatawag ako sa buong pangalan ko.

"Ito naman oh! Sige na. Ano ba? Tama ako sa babae na naman?" Nag aantay sya ng kasagutan.

Ganyan kaming dalawa. Haha. Kapatid na rin ang aming turingan, iisang anak lang din kasi siya.

"Oo sa babaeng hindi ko inaasahan na makakatagpo ko. Babaeng nagpapa abnormal sa pag pintig ng puso ko. Matatawa ka kapag malaman mo na ng dahil lang ito sa banggaan na biglaan na lang na naganap. At yun. Boom!" Pag-umpisa ko.

"Teka.. Teka.. Kailan ka pa naging corny Jho ? Hahaha. Biro lang. Ano ba kasi ang nangyare ha? Nagka bungguan kamo kayo? Bulag ba yun? Hahahaha." Hagalpak ang tawa nya. Bwisit talaga 'to.

Minsan, hindi ko maintindihan kung bakit napag tiisan pa 'to ng girlfriend niya. Napapa-iling na lang talaga ako. hahahaha.

"Ano kasi.. Ganito yun, makinig ka ha. Papasok na ako nun sa school. Kaya nag madali ako sa pagtakbo gawa ng malelate nanaman ako ng--" Hindi pa nga ako natapos sa unang linya ng kwento ko, bigla naman syang sumingit. Naku!

"Kailan ka ba pumasok ng maaga Jho? Hahaha." Pang-aasar niya.

Alam niya kasi na, As always late. hehe. Nakakatamad na kasi pumasok kung minsan, Lalo nat pag yung prof mo e nakaka antok mag turo. Haha.

Love Complicates Everything (GxG) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon