---*
Jhovelyn.
*--- LAST NiGHT ---*
Hindi parin mawala yung ngite sakin labi, ang saya na aking na darama wala parin mapag lagyan.
Yung taong gusto mo ay gusto ka rin shems. Sobrang saya talaga<3
Hindi na ako magpapa tumpik tumpik pa, boom kalakal na haha.
Charaught lang naman!
Total, the feeling is mutual. Hindi ko na papalampasin pa ang araw na magdaraan, baka maagaw pa siya saakin iba kaya unahan ko na sila.
Take note ;
Talo ng malandi ang maganda xD
Nag punta na muna ako sa bahay nila shane para mapag planohan ang gagawin ko ng makuha ang matamis niyang "OO".
Ilan sandali lang naman at andito narin ako sa bahay nila shane.
*dingdong*
*dingdong*
*dingdong*
"Oh jho? Napa sugod ka ata? Meron bang problema?" Bungad ni shane saakin. Kupal talaga 'to, tingin niya saakin kilala ko lang siya pag may problema ako hmf!
"Hindi mo ba muna ako papapasukin sa loob ateng?" Naka taas kilay kong sabi with matching pamiwang pa haha.
"Sorry po mahal na prinsepe, halika na't pumasok sa loob." Yung basahan nilagatag niya na kunyare red carpet haha. "Happy?" Pfft! Natatawa na lang ako sa mukha niya hahahaha.
Agad naman kami nag tungo sa kwarto niya, wala naman akong balak na mag tagal dito. Tawagan ko pa ang wim ko hihi.
"Umpisahan mo na mag kwento dali! Ano ba, Kayo na? Haha." Bakas sa mukha niya yung pagka excite malaman yun nangyare, na parang kanina lang gulat na gulat na andito ako sa kanila lels.
"Kami agad-agad? Sira ka! 'Di pa syempre, bukas ko pa lang itatanong sa kanya kong ano.. ah, eh? kong pwede ko siyang maging kasintahan." Nakangite kong sagot.
"So, kaya ka pumunta dito para huminge ng tulong? Ganun??" Naka taas pa yung kilay niya, akala mo naman may kilay talaga haha.
"Eh? Sigeee na shane pleeease?" Nag puppy eyes pa ako sa kanya.
Sana naman pumayag ang loko!
"Sige na, sige na." Agad ko naman sya niyakap at kiniss sa pisge haha. "Jho! Ano ba! Lumayo layo ka nga, nababakla ka na ba? Shu! shu!" Mukha niya akala mo diring diring saakin ee pssh! kaya lumayo na ako sa kanya.
"Salamat talaga shane."
"Ano bang plano mo ha?!"
BINABASA MO ANG
Love Complicates Everything (GxG) [EDITING]
Humor[ Highest Rank #7 in Humor ] si Samantha ay isang mapagmahal na anak at mabait na kaibigan. Hindi rin siya naniniwala sa destiny chuchu na yan. Dahil para sa kaniya isa lamang yon kathang isip. At higit sa lahat. Isa lang rin siya sa mga nabiktimang...