Chapter 50: A Sudden Changed of Heart
Eri's P.O.V
... naglalakad ako ngayon papunta sa next class ko .. ang daming pumapasok sa utak ko that time.. isa na doon si Raven.. pshh mukhang nag-eenjoy naman sya dito sa palabas na 'to..
haystt kelan ba 'to matatapos??.. nakakasakal kasi talaga na matali ka sa isang tao.. kasi bawat galaw nyo eh papansinin ng lahat.. tulad nalang kanina..
sa kakaisip ko .. eh di ko na namalayan na may nabanga na pala ako..
Bogsshhhhhhhh..
nahulog yung mga dala nyang libro..
"ah sorry, pasensya na di kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko, nasaktan ka ba?.." sabi ko sabay pulot ko ng mga libro tapos inabot ko sa kanya.. nakita kong gulat na gulat naman sya..
"E-eh???? , E-Eri??? oo, a-ah s-salamat.. " naka-ngiti tapos at the same time eh nanginginig na sabi naman nya... problema nito?..
binigyan ko lang sya ng isang malaking question mark look.. pero di yung way na pang mataray.. parang nagtataka lang..
Dean's P.O.V
(hahaha sorry.. gusto ko lang bigyan ng P.O.V ang dean nila.. sya kasi yung unang makakapansin ng unti-unting pagbabago kay Eri.. )
"sige lagay mo lang yan doon sa table ko.. " sabi ko doon sa secretary ko.. nandito kasi kami ngayon sa may corridor.. papunta na sana ako sa dapat kong pupuntahan nang bigla naman nya akong tawagin at magpapirma sana ng mga ilang dokumento.. eh nagmamadali ako kaya sinabihan ko nalang sya ilagay nalang muna sa table ko..
tapos tumalikod na sya at naglakad na..
ako naman eh.. tumalikod na rin at magpapatuloy na sana sa paglalakad ng makita ko si Eri.. lalapitan ko na sana para pagalitan kasi nakita ko na naman yung suot nya.. ang kulit talaga ng batang 'to.. sinong matinong Dean ang papayag na ganyan yung dapat na sinusuot sa loob ng skwelahan??(tingin po kayo sa side nyo para makita nyo kung paano manamit sina Eri kapag nasa school sila)
(A/N :pshhh ang kj ng Dean!!! ang ganda -ganda kaya!)
tapos nakita ko pang may nakabungo syang isang babae.. alam ko na ang mangyayari kaya dapat ko ng awatin bago pa magwawala 'to sa galit
pero natigilan ako sa mga sumunod nyang ginawa.. nakita akong yumuko sya,may inabot sya sa sahig at inabot din agad 'to sa babaeng kausap nya.. tapos rinig na rinig ko ang mga katagang sinabi nya na nakapag-pagulat talaga ng husto saakin..
"ah sorry, pasensya na di kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko, nasaktan ka ba?.."
"E-eh???? , E-Eri??? oo, a-ah s-salamat.. " sagot naman nung babae.. halatang-halata din na nagulat ang babae sa ginawang response sa kanya ni Eri..
tapos nakita kong naka-ngiting umalis na yung babae.. pero bago yun eh kinawayan muna nito si Eri bago tuluyang umalis..
Yun na yun??? walang gulong nangyari????
ang isang Eri Carranza .. ? pinalagpas ang ganun?? that's very un usual .. and take note.. nag sorry pa sya.. ano ba ang nangyayari??..
pero natutuwa ako ..
.... syempre may pakialam ako sa lahat ng students ng University na 'to.. mabait ako, alam yun ng lahat... si Eri lang naman ang nagsasabi ng mga masasamang bagay tungkol saakin.. pero kahit na ganun, di naman ako galit sa kanya.. kaya ko lang naman sya pinapagalitan dahil gusto kong matuto na sya.. at wag kasamaan at galit ang pairalin sa puso nya..
oo, tama kayo may alam din naman ako sa istorya sa likod ng kasikatan nya.. ah mali.. SILA pala.. kasi bago sila ipasok dito eh kinausap ako ng mga magulang at manager nila... well except for Mindee..
at sobrang nalulungkot din ako sa mga pinagdadaanan nila.. sa ngayon wala pa sila sa stage ng "PAGTANGGAP"..
.. ang tanging nais ko nalang para sa kanila ay mapalitan na ng pagmamahal ang puso nilang nababalot sa galit at paghihiganti..
Manager Jenny's P.O.V
papunta na ako ngayon sa University ng mga alaga ko... hehehe nagmumukha tuloy akong yaya sa term na yun.. well okay lang kasi totoo naman.. concern naman ako sa kanila.. at mahal ko silang apat..
susunduin ko kasi silang apat.. narinig ko kasi kanina sa studio na sinugod pala ni Judith si Eri.. at itong si Eri naman eh hindi man lang nababangit..
napaka-maldita talaga ng Judith na yan..
ayaw tantanan si Eri.. kahit noon pa man,.. inagaw na nga nya si Jerome kay Eri tapos ngayon sya pa 'tong galit?? hay naku.. kelan ba 'to matatapos na Rivalry na 'to..??
oo, sa music Industry.. magkalaban talaga sila.. kasi pareho silang genre.. yun ay ang pagbabanda..
pero ngayon ,.. hindi sa pagmamayabang, pero malaki na ang lamang ng Rag Dolls sa BlardZ.. malapit na sila sa stage ng pagiging laos.. kaya naman galit na galit si Judith.. napaka-ingitera talaga ng babaeng 'to..
mukhang nagtatagumpay na si Eri sa paghihiganti nya.. pero sa totoo lang againts talaga ako sa ginagawa nyang ito..
pinarada ko na yung Car ko sa may parking lot.. ilang minutes lang yung hinintay ko bago sila dumating..
"yey! makakauwi na rin.. I'm so hungry na ! " nagtatatalon na sabi naman ni Sam.. a
"oh? kayong tatlo lang?? asan si Mindee???.. " tanong ko sa kanila..
"ewan ko.. " sagot naman ni Eri.
"aba ewan.. " sabi naman ni Sam..
"di ko rin nakita .. dumaan nga ako kanina sa building nila , pero di ko sya mahanap.. " sagot naman ni Gail..
saan na naman ba yun nagpunta?? dati late.. ngayon naman eh nawawala..
Buzzzzzzzzzzzzz
naramdaman kong nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito.. pagtingin ko may nagtext kaya inopen ko ito..
huh? si Mindee..?
From:Mindee
Msg.:Manager, sorry di ako makakasabay.. ingat nalang kayo mwuahhhh <3
eh?? saan na naman ba 'to pupunta?..
tinago ko na yung phone ko ..
"tara alis na tayo.. di daw sasabay si Mindee.. "
BINABASA MO ANG
A Change of Hearts: I Met a Rebellious Girls
Fanfiction... Fanfiction ko po 'to ng SCANDAL BAND.. super adik po kasi ako kina Haruna Ono,Rina suzuki,Mami Sasazaki,Tomomi Ogawa.. hehe sana magustuhan nyo po thanks