Chapter 53:Nag-papa-miss??
Manager Jenny's P.O.V
naku late na ako sa meeting namin ng mga alaga ko.. mabuti at 15 mins. late lang naman.. Excited na bumaba na ako ng car ko matapos ko itong i-park. Pumasok agad ako, gusto ko na ibalita sa iba yung sinabi ni Eri na gusto nya ng album ngayon. hehe
" sorry Girls, i'm late.. may dinaanan pa kasi ako.. so tara pag-usapan na natin yung new album nyo.. " masayang bungad ko sa kanila..
alam nyo ba yung reaction nila???
wala ! as in wala ! parang wala sa sarili yung tatlo.. parang di ata ako narinig..
"hoy girls.. nakikinig ba kayo??? sabi ko magkakaroon kayo ng new album nyo.. di ba kayo masaya??? " sabi ko sabay snap ng fingers ko sa harap nila..
Matapos ko mag-snap ng fingers ko parang doon lang sila natauhan.. may kanya kanya kasing mundo eh
"huh???!! talaga???? " gulat na gulat na tanong nila...
" at last ! " sabi ko .. tapos nilingon ko si Eri " problema ng mga 'to??? " takang tanong ko sa kanya tapos nagkibit-balikat lang sya .. " di ko nga rin alam eh...
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>.
Eri's P.O.V
"hmmmmmmm... " sabi ko habang tinatap ko yung dulo ng lapis sa may study table ko at nakahalumbaba. Nag-iisip kasi ako ngayon ng lyrics para sa magiging album namin. Ano ba yan wala ako maisip, sana naman may naisulat na sila... hayst...
pero nakakahiya naman kung silang lahat may nagawa tapos ako wala !.. ako pa naman yung may pasimuno nito.. oh well magtatanong nalang nga ako kung ano maganda isulat..
inabot ko yung phone ko at nagsimulang mag-dial na kung sino mang tao na nasa phonebook ko..
"CALLING RAVEN... "
HALA ! wait ! bakit sya??? kainis .. sa dami ba naman ng pwedeng tawagan.. siya pa? automatic na gumalaw bigla yung mga daliri ko tapos sya yung natawagan ko..
ica-cancel ko na sana yung call.. kasu ..
"Eri??? napatawag ka???? =D "
mukhang good mood ata 'to ngayon???...
"errr... ahm.. w-wrong call lang sorry.. " sabi ko ..
".............. "
"uy... "
"ah ganun ba sige .. akala ko pa naman na-miss mo ako, kasi ikaw miss na kita " sabi nya sa malungkot na tinig tapos hininaan nya ng konti yung last part na sinabi nya.. biglang nag-init yung pisngi ko.. h-huh?? ano ba pinagsasabi nito..
"a-ano???" tanong ko ulit kasi baka nabingi lang ako..
"wala !!!! " sabi nya.. hala ang sungit??
"problema mo ha ?!" iritadong tanong ko,.. kasi nagsisimula na naman 'to..
"wala !!.. "
"akala mo lang wala !!! pero meron ! meron! meron! ".. sabi ko, teka parang lines ata yun ni Carlo Aquino ????.. Kainis na Raven yan.. sinisimulan na naman ako.
" ha-ha-ha dami kong tawa.. sige bye !" sabi nya..
"ano? h-hoy------------ hala binabaan ako???" sabi ko sabay tingin sa phone ko, kasi naman babaan ba naman ako??.. problema nun??? nagsusungit na naman.. kanina lang mukhang ang saya saya tapos ngayon bad mood na???...
BINABASA MO ANG
A Change of Hearts: I Met a Rebellious Girls
Hayran Kurgu... Fanfiction ko po 'to ng SCANDAL BAND.. super adik po kasi ako kina Haruna Ono,Rina suzuki,Mami Sasazaki,Tomomi Ogawa.. hehe sana magustuhan nyo po thanks