Chapter 60:(the continuation )

192 5 15
                                    

 (karugtong po ito nung Chapter 59 XD )

Chapter 60:(the continuation)

Eri's P.O.V

" Galing mo kanina ah?" Nahihiyang comment slash papuri ko naman kay Lyka sabay naglakad ng mabilis, kasi naman nahihiya ako.Tapos narinig ko naman siyang tumawa ng mahina mula sa may likuran ko. Pagtawanan daw ba ako??.

"haha nagulat ka no?? Taekwando master ata  'to.. " sabi naman niya sabay takip ulit ng bibig niya pagkatapos.. haha  pero hmmmm napapadalas  na ata yung padudulas ng dila niya.. ??. nakakapagduda.

"I mean Taekwando master sa panaginip ko.. hahaha " sabi naman niya.. hay naku bakit di pa kasi sabihin kung meron nga ba talaga siya tinatago o wala -___-. 

"whatever.."

"ikaw nga dyan yung magaling.. may papunas-punas ka pa dyan ng luha  na nalalaman " sabi naman  niya , at mula sa gilid ng aking mga mata eh kitang-kita ko yung malapad niyang mga  ngiti.. Problema nito???.

" S-syempre naman... !! kailangan kong gawin yun, baka kasi sabihin eh ang snob snob ko,  T-tsaka  baka mawalan pa ako ng fan "  sabi ko, pero syempre hindi naman talaga yun yung reason ko, nahihiya lang ako umamin at tsaka ewan ko nga ba kung bakit ko yun ginawa eh, basta naramdaman ko nalang na parang may kumurot sa puso ko at basta na lamang gumalaw mag -isa yung mga kamay ko.

"weh ??? asus, sino niloko mo??"

"eh di bahala ka kung ayaw mo maniwala !! " sabi ko at naglakad ulit ng mabilis pero nakitang kong mas binilisan rin ni Baka maid yung paglalakad niya kaya nakasunod agad siya.. hay naku para naman 'tong aso and at the same time eh Tuko.

"haha ito naman di na mabiro... " sabi naman niya .

"heh.. tumigil ka... " kunwaring pagsusungit ko naman sakanya.

" hahaha asus... ang drama, hahaha bakit di ka kaya mag-artista ?? may future ka eh ! " pang-aasar naman niya tapos tinaasan ko lang siya ng kilay at kinaladkad na paalis doon.

"uy ! teka saan tayo pupunta ??"

" sa CD and DVD section" 

Pagkatapos nun eh hinila ko na siya at nagsimula na kaming maglakad papuntang cd and dvd section... pero nasa kalagitnaan pa lamang kami ng paglalakad eh bigla naman siyang huminto.

" oh ? bakit ka huminto?? " nagtatakang tanong ko naman sa kanya at nakita kong baluktot yung tayo niya at hindi siya mapakali. Problema na naman nito??.

" naiihi ako"  awkward na sabi naman niya , Hahaha ayun naman pala.. naiihi siya.

"tss ... sige na samahan na kita " sabi ko at nag-nod lang siya pero di pa rin siya mapakali.. haha nakakatawa itsura niya. After nun eh naglakad na kami sa pinakamalapit na comfort room.

Hindi rin nagtagal eh nakarating na kami sa tapat ng comfort room..

" Master Eri...  dyan ka lang ah ??? pasok lang muna ako sa kubeta.. balik din ako agad, 'wag ka dyang aalis sa labas  ah ?? saglit lang ako.." sabi naman niya at nag-nod lang ako. Pero pagkaalis na pagkaalis niya eh napatawa talaga ako.

hahaha seriously, Kubeta ??? XD hahahahaha napaka-probinsiyana naman ng term niya... haha yung kaninang  pagdududa ko sa kanya ay bigla na lamang nawala after kong marinig yung term na ginamit niya..

sa dinami-dami ba naman ng term na pwedeng sabihin eh yun pa talaga ??? haha... sabagay yun yung madalas gamitun ng mga maid diba ??.. kaya di na ako magtataka kung yung din sasabihin niya..

habang mamatay-matay na ako sa katatawa ng walang lumalabas na tunog eh bigla na lamang may nahagip yung paningin ko dun sa mga posters na nakadikit sa may pader.. iba't-ibang artist yung nandun at isa na doon yung poster nila Judith and Jerome, magkasama sila sa picture.

A Change of Hearts: I Met a Rebellious GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon