Chapter5

4 0 1
                                    


Maaga ako nag simba wala naman nag bago maaga parin ako nag sisimba ayoko kasing nalalate, pag dating ko nandun si tito dennis kumain ako dun then maya maya nandyan na sila pastor 'Goodmorning' bati ni pastor syempre binati ko na rin sabay ngiti baka sabihin snobber ako hindi naman ako peymus. Nandun sila jojo nakain sa may cafe sa church nasa may labas lang ako nahihiya kasi akong pumasok baka sabihin tinitignan ko sya nandun kasi sila Jerome at kuya dave e.

Dave POV:
'Ako pala si Dave 21yrs old pinsan ako ni jojo unang simba pa lang ni love sa church na pansin na sya ni jojo tahimik kasi at laging nag iisa lonely sya kung tawagin minsan ngingitian ka pa'

'Hi love goodmorning nasa loob pala si jojo pasok ka dun' Bigla ako nag blush kinausap ako nang pinsan ni Jojo? Oh?! Himala naman kasi e. Napangiti lang ako sakaniya ganun naman silang lahat nangiti lang ako sakanila kasi di ko sila kilala e. Mag uumpisa na yung service tinawag nako nila kyla, yssa, rona, jovelyn, pag akyat ko sa taas dun ako banda pinapaupo malapit kay jojo. Ano ba naman to hindi landi punta ko sa simbahan kung di si lord ispirasyon lang si jojo nang pag babago ko. After the service may meeting ang youth ever sunday may meeting talaga at kasama na ko dun proud ako sa sarili ko kasi kasama na ko sa mga youth nang simbahan.

'Love sama ka sa bonfire ha? Nextweek na yun' Si ate mayie yun sinasama talaga nila ako ang saya naman hihihi.

'Oo sama ka masaya talaga yun' Ang dami nilang nagyaya sakin. Ngumiti lang ako e pero sasama talaga ako, naka circle kami tuwing nag memeeting ang mga youth mag katapat kami ni jojo ang sakit lang kasi katabi niya yung bestfriend niya habang nag haharutan sila wala naman akong pakialam o karapatan mag selos e. Bestfriend sya nangangarap lang ako.

After meeting may mga nag lalaro sa may court sa church pero wala sakin yun di talaga nila ako makakausap ewan ko ba lonely ako pero masaya ako kasama mas malakas pa sa radio yung tawa ko totoo yan. Mga 1pm na ko umuwi hinatid ako nila kuya rhen kotse yung gamit nasa unahan si jojo tapos nasa likod niya lang ako inaantay na lang yung iba bigla siyang humarap sakin kasi busy si kuya rhen sa phone niya habang inaantay yung iba 'Hi ate love' Sabay nakipag apir sya sakin ngumiti lang ako then umapir din ako sakaniya. Oo kinilig ako pero patago lang nakakahiya naman kasi sakaniya natatakot din ako mafall kasi di ko pa naranasan mainlove nang totoo. Nag ka boyfriend ako isa si mj pero di kami nag tagal marami din akong micro pero kay jojo iba yung tama ko e. After 30 minutes naka uwi nako nahatid na nila ako
'Bye ate love' Si jojo yun pero nag babye din sila kuya rhen sakin syempre naman nag goodbye too ako at nag pasalamat sa pag hatid nila sakin.

'Im here im back baby' Yan lagi kong sinasabi pag uwi ko galing school o saan kaya pinapagalitan ako ni mama o sumisigaw yung katulong nang kapitbahay namin dahil sa sobrang ingay ko ewan koba sa mga kapitbahay pakielamera kapitbahay lang naman sila ayaw na lang nila makinig nangingielam pa. Nevermind basta ang saya ko pag uwi hindi nako nakain nag text agad ako kay jojo 'Hi kuya jo thankyou sa pag hatid himala kinausap moko :)' Walang reply? Bakit kaya? Baka wala syang load? O lowbat! Loadan ko kaya e baka naman masayang lang, wait babae ako bat ako mag loload sakaniya mali baka naman sabihin niya sabik ako sa text niya wag naman antayin ko na lang reply niya. Kakaantay ko di ko namalayan nakatulog na pala ako gabe na ko nagising mga 6 na pero wala padin siyang text kaya tinamad na ko mga load na exp na load ko.

'Ikaw napaka tamad mo wala kang ginawa kung hindi matulog, kumain hindi naman nataba puro pa hawak nang cellphone' Bunganga naman ni Mama yung nanarinig ko buti laging wala si daddy ang sakit pa naman sa tenga nang mga bunganga nila.

11:00pm May nag text sakin pero patulog na kami na ko

'Hi ate love nalowbat ako kakauwi ko galing church dun kasi ako nag dinner mag hapon kami dun para sa bonfire gising ka paba?' Kung kaylan wala nang load nag text pa naman talaga ohhh! Dali dali ko ginising yung pinsan ko para makitext 'Ate jade may load kaba' Binigay niya agad sakin yung cellphone niya dina sya nag salita sa sobrang antok niya siguro. 'Okay lang kuya jo si love pala to nakitext lang ako maaga pa kasi pasok ko e wala nang paloadan dito' Nasend ko na pero wala syang reply siguro nakatulog na yun sa sobrang antok niya dahil sa pagod niya.

6 Months M.U Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon