Chapter21

0 0 0
                                    

January na. Tatlong buwan na kami pero di kami in short di pa kami mag on. M.u palang this time kasi dipa pwede. Di ko akalain na aabot nang tatlong buwan to. Mag babalik na rin kami sa school malapit lapit na kaya ito busy nanaman. Katatapos lang nang pasko, newyear then after new year. Back to school syempre graduation na namin after all. After 10 months and 6years graduate na si ate mo kenjier na maganda. Goodbye elementary hello highschool, pero 2months pa naman bago ako umakyat nang stage excited lang masyado e no?

Lumipas nang limang araw at bumalik na kami sa school, syempre dating gawi maingay at magulo parin section namin. After nun dumating na si maam, pinagawa kami nang nangyare samin nung bakasyon di mawawala yung araw na mag kausap kami ni jojo wala akong pakielam kung mabasa nang teacher syempre ako paba. Malakas loob ko basta pag dating sakaniya. Ganito talaga siguro kapag inlove oh nag mamahal. Lahat ginagawa at may lakas loob talaga.

Madaming ginagawa sa school tulad nang mga theme theme at nangyare nga nung bakasyon. At ready na rin yung mga classmate kona nag iipon para sa fieldtrip. Im sure naman di ako makakasama nito una sa lahat walang pera at takot ako mag biyahe minsan sumusuka ako or nahihilo yun ang kinakatakutan nang mother earth ko ang mahimatay ikaw ba naman ang may sakit na anemic ewan lang kung di ka mahilo minsan.

Dahil namiss namin ang kaibigan o ang barkada di namin naiwasan gumala kaya gora to mcdo with them. Namiss kasi namin ang isat isa kaya naisipan namin mag gala quality naman kasi. At di maiwasan yun mga teh at koyah.

Gabe na rin kung makauwi kami di pa ko nakapag text kay jojo dahil wala akong load at una sa lahat lowbat ako kaya pag nalaman nyang gumala ako lagot nanaman ako nito sakaniya. At pag uwi ko sa bahay pasadong 6:00 pm wala pa sila mama edi ang swerte ko kasi ligtas ako walang magagalit sakin. At dahil wala akong magawa namiss ko mag basa at kaya yun binasa ko yung mga messages namin ni jojo parang dati lang 520+ samantalang ngayon 1500+ na ganun ba talaga? Sana dina to mabura. Habang binabasa ko yung mga messages namin pinapakinggan ko yung kanta na I BELIEVE.

'Kausap ay ikaw araw araw mag hihintay hawak lamang ang sinabi mong baka mahal mo rin ako. Tama na saking nang minsan binigyan mo nang pag asa basta mahal kita ikaw lang at ako ang mag sasabi nang iloveyou'

At habang tuloy tuloy yung kanta naiiyak ako at kinikilig sa mga binabasa ko. Sobra na ata inlove ko sakaniya dahil sakaniya lang ako iiyak nang ganito. Sana di na mawala si jojo sakin sana sya na talaga yung makakasama ko at kasama sa mga pangarap ko. I believe to god na di sya mag bibigay na walang dahilan kaya alam kong binigay nya sakin si jojo para mag bago at tulay na makilala ko sya. Sinasabi ko sa isip ko yan.
Hanggang sa makatulog ako at dina makakain si jojo parin iniisip ko.

6 Months M.U Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon