Chapter28

0 0 1
                                    

March na limangbuwan na kami ni jojo ang saya naman nito. Graduation na rin ilang araw na lang sabay kami gagraduate ni jojo, halos sabay graduation namin kaya ang saya, highschool nako tapos sya college na IT yung course nya gustong gusto nya kasi mag computer mahilig sya dun. Lalo na sa dota!

6am to 4:30 pm nang hapon ang practice nang graduation kaya kami after nang practice diretsyo gala na dating gawi. Di na rin kami masyado nag kakausap ni Jojo dahil nawalan ako nang cp ang tanga ko ba naman kasi. Di ko alam saan nawala yung cp ko halos naiyak ko na lahat pero di ko parin nakikita yung cellphone na yun, sobrang mahal ko yun pero mas mahal ko si Jojo charot lang tehhh.

...........

Sunday morning, nilakasan ko yung loob ko na kausapin sya kahit kabang kaba ako ewan kung bakit kainis naman to.

'Ku-kuya jo na-nawala yung cellphone ko kaya dina ko nakakapag text' Nauutal pa ko dahil nahihiya ako.

'Asge basta text lang pag meron na ah' Sabay apir nya sakin at si kuya dave nakatingin lang samin nakangiti mukhang nang aasar namaman sya kainis e. Dahil wala nga ako cellphone tablet yung dala ko dun ako nag online at nakasakay kami nila jojo sa kotse mag katabe kami hahatid na kasi nila ako ni kuya rhen kasama namin si ate judy anne. Habang nasa loob kami nang sasakyan inagaw nya yung tablet ohno! Makikita nya yung mga picture na nasa tablet ko puro mukha pa naman nya yun gosh namern.

Minsan di sya nag texttext dahil pinapahiram lang ni kuya vj nang phone minsan lang. Minsan isang gabe lang kami nag kakatext, at nung March 30 nasa baba kami nila erick nandun sya sabi ko na lang sakaniya 'Hi kuya josh' ngumiti sya sakin kaya ako kinilig, lagi ko rin syang nahuhuling nakatingin sakin. Minsan kasi isang buwan pa kung di sya mag paramdam sakin.

April6, 2014
1st Sunday kaya dapat naka white, tawa kami nang tawa halos di na kami nakikinig sa sinasabi ni pastor. At nung closeng prayer bigla akong kinabahan dahil may sasabihin si pastor.

'Akala po namin 6years at tatagal sya pero baka 6 Months na lang sya yun ang sabi nang mga doctor nya at nang hihina na po yung baga ni joshua derilon umakyat na po kasi yung cancer nya at konti konti na po kinakain yung baga nya at sana tulungan at pag dasal po natin sya' Nang marinig ko yun gustong gusto kong lumuha dahil sa mga narinig ko, its means anytime pwede syang mawala at iwan nya ko? Sabi ko sa isip ko at konting konti na lang luluha na ko, pero pinigilan ko yun nang makita kong tumingin si jojo sakin, wala na ko pakielam kung tumingin pa sya basta ang alam ko magiging matatag sya. After a service bumaba na ko di parin mawala sa isip ko yung mga narinig ko naiinis ako dahil nasasaktan ako.

Bandang hapon may laban nang basketball sa church nasa likod ako ni jojo at tinitignan sya, napapangiti ako habang nakatingi sakaniya at bigla nya kong kinausap 'Ate love peram cp mo? At nasan pala si erick mag uumpisa na yung laban' Sabi ni jojo sakin at binigay ko yung cp ko sakaniya at sinabi kong di ko alam kung nasan si erick dahil di ko naman talaga alam kung nasan nanaman yun.

Hapon na kung matapos yung laro at uuwi na rin ako, inaantay ko na lang si erick ihahatid ako nun pauwi pero lumapit si jojo sakin at kinausap ako 'Di kaba sasama uuwi?' Habang kinakausap nya ko nakayuko ako dahil nahihiya ako sakaniya. 'Aa-aa hindi aantayin ko si erick kuya' Sinabi ko yung totoo yun kasi talaga dina sya muling nag salita umapir na lang sya sakin at umalis na.
Tinatanaw ko na lang si jojo na palabas nang pinto habang nag lalakad na nakasaklay, gustong gusto ko syang alagaan dahil sa mga narinig ko kanina lalo akong nainlove sakaniya dahil ayoko talagang mawala sya, kung pwede lang na alagaan ko sya ginawa kona pero hindi pwede.

6 Months M.U Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon