Chapter ten

1.1K 51 2
                                    

Monday. Ngayon nalang ulit ako pumasok. Natapos ko nang itrain ang bagong reapers with that three days nung umabsent ako. Sa sabado ko nalang siguro ipapagawa ang F37, kailangan ko ring magfocus sa studies ko. Kasama ko si aeris papunta sa room, we're classmates.







"May sasalihan ka na bang club?" tanong sakin ni aeris.






"Club?" takang tanong ko pero wala paring ekspresyon ang mukha ko.






"Ay bitch nakakahiya naman kasi nung umabsent ka eh no? Well inannounce lang naman nung friday na may clubs na na pwedeng salihan dahil malapit na yung intrams." she explained. I just shrugged my shoulders and didn't mind to answer, di naman ako sasali sa mga club club na yan eh.







"Uy trixie! Anong club sasalihan mo?" napalingon kami ni aeris sa nagsalita. It was sharlene, di ko rin nakita to' ng ilang weeks ah-- but I don't care.






"I'm not interested." I coldly said at tinalikuran siya. Get ready for aeris' questions in 3..2..1..






"Sino siya? May naging friends ka pala habang wala ako? Naging close ba kayo? Gangster din ba siya? Mayaman?" Jealous bestfriend here. Tsk, dinaig pa yung magsyota na nagaway eh.








"Di ko siya kilala." I calmly said at naglakad ng mabilis papunta sa room leaving aeris na parang naglalakad sa buwan.







----



Uwian. Naghahanap ako ng convenience store na walking distance lang sa school. Hindi ako sumabay kay aeris dahil nga may dadaanan ako, well magcocomute nalang ako siguro pauwi since hindi naman ako nagdala ng sasakyan.






"Malapit na convenience store?" malamig kong sabi sa nakasalubong kong grupo ng lalaki na galing siguro sa basketball, ewan. Pang basketball yung suot eh. Tinitigan muna nila ako sandali bago sumagot, problema nila?







"D-deretsuhin mo yung eskinita na yan tapos kumanan ka" sabi ng isang binata. Lalampasan ko na sana sila pero nagsalita yung isa sakanila






"Ahm.. ate pwedeng pahingi ng digits?" nahihiyang niyang sabi habang kinakamot pa ang batok







"No." maikli kong sagot at pinagpatuloy ko ang paglalakad. Hindi pa ko masyadong nakakalayo sa kanila nang maramdaman ko ang pagbato nila sakin ng bola sa ulo ko. I clenched my jaw at humarap sakanila








"Eto naman hinihingi lang number mo kung makaasta ka kala mo kung sinong maganda ah!" nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng uniform ko at binigyan sila ng yun-na-ang-pinakapagsisisihan-mong-ginawa-look.








"I didn't say that I'm beautiful but thanks for the compliment." bored kong sabi pero mukhang nainis naman sila kaya nilapitan nila ako at pinaligiran. Bubwelo na sana ako para suntukin ang unang lalapit sakin pero di pa man ako nakakagalaw ay natumba na siya sa sahig then a figure of a man popped up infront of me. Pumunta nalang ako sa isang sulok dahil mukhang siya na yata ang bubugbog sa kanila kaya pinanood ko nalang sila. 1 vs. 6? Not bad.







Natapos nang bugbugin ni mateo ang mga lalaki at pumunta sa direksyon ko ng nakakunot ang kanyang noo at may dugo pa sa labi. Tsk, kalalaking tao eh hindi kayang hindi masugatan habang binubugbog ng anim na lalaki. Marahas niya ako pinatayo, "Bakit ka nandito?! Can't you see na nilalapitan ka na ng mga lalaki na yun tapos wala ka paring reaksyon?!" ang OA neto ah, parang sakanya nangyari eh







Dangerous herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon