Chapter 29: Party

29 2 0
                                    



JM's POV

"Okay na ba ang lahat?" Tanong ko sa mga katulong ko. Naghahanda na kasi ako para sa party mamaya. This will be a Big Celebration dahil Champion ang Archery sa Basketball and Volleyball.

"Opo sir. Yung pagkain na lang po ang hindi na hahahain" sabi ni Manang sakin. Mamaya pala may malaking pasabog akong gagawin. Masisiyahan kayo dito wahahahaha.

*Ding-Dong*

Huh? Ang aga naman niya. 6:00 PM palang. Sabi ko sa Group Chat namin mga 7:30 pumunta! Nu ba yan! Baka Fangirls ko yan? Iba talaga pag gwapo.

"Manang pakibukas nga po ng gate pleaseee?" sabi ko.

"Nako Sir! wag mo kong ganyanin kinikili ako! Hahaha" sabi ni Manang.

"Kayo talaga manang nagbinata lang ang alaga nyo ganyan na kayo sakin."

"Nakakapanibago kasi yung mukha mo. Mas lalo kang gumagwapo" pambobola nyang sabi.

"Nako manang! Ako na nga lang ang magbubukas ng gate! Kayo na dito hahaha" sabi ko sabay abot sa hawak kong lobo. Lumabas nako at binuksan ko yung gate at laking gulat ko na SIYA.

"Uhm. Hi" sabi ni Allysa oo sya yung nagdoorbell kanina. Ano kayang gagawin nito dito.

"Bat ka nandito?" Sabi ko.

"Wow ha. Ganyan mo babatiin ang bisita mo. Galing mo" sabi nya sabay tap sa shoulder ko. What the fvck?!!! Bat may nararamdaman akong kuryente sa katawan ko? Di kaya may powers si Allysa kaya sya nandito? Joke lang hahaha.

"H-Ha? Ah... Eh... Pasok kana hehe" putcha bat paputol-putol yung sinasabi ko? Shett na malagkettt!!!!

"Bat ka nga pala nandito?" Tanong ko ulit. Di nya kasi sinagot yung tanong ko kanina eh.

"Wala lang nakakatamad kasi sa bahay eh" sabi nya. Wow ha! Gagawin nyang tambayan yung bahay ko? Bangis mo pre!

"Para di ka mabored tulungan mo na lang akong mag ayos ng mga balloons." Sabi ko.

"Ah sige" sabi nya.

Pumunta kami sa may side ng pool namin at dun namin nilagay yung mga balloons. Tinatali namin sa bakal yung mga balloons gamit ang red ribbon.

Kukunin ko na sana yung nagiisang red ribbon kaya lang kinuha den ni Allysa. Nagkatitigan kami.

(~~----------------~~)

"YES I WAS BORN FOR YOU" Biglang may kumanta. Si Vincent lang pala. Ayy shit aasarin ako nyan. Nako patay.

"Oy kayo ha! Magka-red string kayo wahahaha" sabi ni luko.

Nakita ko si Allysa na nakayuko. Mukhang nagba-blush si ineng hahaha.

"H-ha? Hindi ah kukunin ko na sana yung ribbon kaya lang nakuha nya" dipensa namanni Allysa.

"Asus nakatingin nga kayo sa isa't-isa eh" pangaasar na naman ni luko. Nakakainis sya eh.

"Eh tumahimik ka! Bat pala ang aga mo ngayon?" Tanong ko kay luko.

"Wala lang, susunduin ko pa kasi si Elyza kaya lang ang tagal ni baby eh" sabi nya.

"Kaw ha! Mag-aral muna bago lande" sabi ko.

"Ulul. Di yon lande thats what you called 'TrueLove' " sabi nya.

"Para kang bakla pre" sabi ko

"Kung ako may true love, ikaw naman may ka-red string" sabi nya.

"Tumahimik ka nga!!!" Sabi ko.

"Hoyy kayong dalwa anong tingin nyo sakin? Multo? O istatwa? Kung makapagasaran kayo sa harap ko" sabi ni Allysa. Tsk. May mood wings.

"Wag ka ng magselos Allysa iyo na yang si JM meron na kasi akong Elyza. Loyal ako sa kanya eh" sabi ni Vincent.

"LOYAL YOUR FACE!!!" Sigaw ni Allysa sa
Kanya.

Tapos si Vincent kanta pa ren ng kanta.. -.- nakakarindi siya..

Maya maya sinundo na ni Vincent si Elyza. At may dumating ng mga bisita.

Florence's POV

Papunta nako kela Jm. Nakakainis tong si Allysa umuna na pala di nya man lang sinabi eh. Kainis sya. Ang daming pumunta. Ang sikip eh. Pero masaya naman, nagpapatugtog sila. Ang gaganda nga ng music eh.

Pinapunta kaming mga players sa mini stage. At kinong-gratulate kami ng mga tao. Syempre maganda ako. Hehe Sorna.

"Lets congratulate our Champions and our Mr. And Ms. Campus" sabi na naman ng MC. Nagstepforward naman kami ni Gerald at hinawakan nya yung kamay ko. Ako naman parang millions of electrons ang naramdaman ko ng hawakan niya ang Kamay ko. Bat kay JD di ko to nafifeel? Hays. Maya na magisip i need to be happy, kahit ngayon lang. Sa monday kasi puro aral na naman kaya magpapakasaya nako.

"Maaari na po tayong bumaba mga Champions"sabi ni MC. Syempre bumaba na kami.

"Ms. Smith punta kayo sa gitna" sabi ni MC. Huh? Bat nya ako papapuntahin dun? Nagkatinginan kami ng Bitchy Girls. Tumungo na lang sila at ako naman pumunta na sa gitna. Para akong ewan dun eh.

Biglang may Kumanta.












Si JD.

***

The Three Mean GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon