Chapter 46: Picnic sa Beach!

222 7 0
                                    

A/N:
Another UD po :-)
Enjoy reading...Thank you  po  ^___^



Chelie POV

Ako ang pinag POV ni author hahaha!!

Pagbigyan niyo na ako ngayon lang ako bibida sa chapter na'to. ^_^

Kasalukuyan akong nandito sa veranda ng bahay nakatunganga. Iniisip ang mga nakaraan ng aking buhay hahaha charot!

Eto na totoo na talaga to promise! Peksman. ^_^

So ayun nakatulala ako  habang nakatingin sa labas ng gate. Pinapanuod ko yung mga ibang kapit bahay namin na nagpre prepare sa kanilang picnic.

May mga plastic boxes, towel at mga salbabida silang dala. Kaya natural na sa beach ang punta nila.

Ay hindi Chelie sa Ammusement Park ang punta nila.

Tsk, nakakainggit naman sila. Matagal na rin simula nung di ako nakapunta sa beach. Hindi ko na nga matandaan kung kelan yung huling punta ko dun.
_ _)

"Apo hali kana at mag almusal na tayo"

tawag saken ni lola mula sa loob kaya napanguso na lang ako tsaka pumasok sa loob ng bahay.

"Lala kelan po uwi ni kuya?"

Tanong ko kay lola habang nagtitimpla ng orange juice. Nagkibit balikat lang siya saken. Nasa ibang bansa kasi ang kuya ko. Nagtratrabaho sa isang factory.

"Hindi ko alam apo. Di pa naman siya tumatawag"


"Baka busy lang Lala"

Pagpapakalma ko kay lola. Mahirap na baka umatake na naman yung sakit niya sa puso. Kaya kung maare ayaw kong nagaalala siya ng sobra.

Love ko kaya lola ko at syempre pati si kuya. ^0^

"Hindi ka ba lalabas ngayon apo?"


"Parang gustong pumunta ng mga paa ko sa beach, Lala"

Nakangiting sagot ko sa kanya habang nagsasalin ng kanin sa plato ko. Ngumiti naman siya saken.

Lala talaga kahit matanda na maganda pa rin. Sayang di ko namana yung beauty niya. Hahaha nagmana ako sa beauty ng nanay ko =_=

Nanay kong iniwan kami simula ng mamatay si papa.

Pero ayos lang kasi di naman kami pinabayaan ni lola. Kaya nagpapasalamat ako sa diyos ng marami.

"Pumunta ka. Alam mo Chelia apo, e-enjoy muna buhay dalaga mo. Kasi kapag nandito yung strict mong kuya di kana makakagala"

Nakangiting sabi pa ni lola. Hahaha Oo nga noh? Dapat sinusulit ko na habang wala pa si kuya.

"Lala tatawagan ko lang po si Hanna"

Masayang tugon ko habang pinapakita yung phone ko sa kanya.

Lala ang bait talaga niyang lola samen ni kuya. Nakangiti ako habang hinihintay yung response ni Hanna.

"Wooahh Cheliee!!"

=____=

Sa lakas ng boses niya bahagya ko pang nailayo yung cp ko saking tenga.

"Hey I'm not deaf.. Uy picnic tayo"

Aya ko sa kanya rinig ko pang sumigaw siya ng Yes sa kabilang linya. Malamang tumatalon pa ito sa sobrang excited!

"Tapos kana sa patalon talon mo jan?"

Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon