Chapter 40: She's sleep under the rain

250 6 0
                                    

HANNA POV

Hayst! Kainis siya ah! Ako yung asawa tapos pahihigahin niya ako dito sa sahig!

Asan ang hustisya dun!

Diba dapat magkatabi kami sa kama. Opppss! Sa dreamland lang yun mangyayare hahaha!

Kaasar! Di pa naman ako makakatulog dito sa sahig. Ang lamig kasi eh.. Di man lang nya ako binigyan ng makapal na bedsheet para di ako masyadong lamigin.

"Hoy! patayin mo yung ilaw!"

Sigaw niya mula sa ibabaw ng kama. Ayoko nga takot ako sa dilim huhuhu

"Di mo ba ako narinig?!"

Hayst! nakakarindi na sya ah! Walang ganang tumayo ako at naglakad papunta sa switch ng ilaw at pinindot yun.

"Happy?"

Sarkastikong sabi ko sa kanya tsaka in-open yung phone ko para makita yung daraanan ko..

"Tsk, yang phone mo nakakasilaw! Patayin mo yan!"

"Oo na..sandali lang di ko kasi makita yung dinadaanan ko"

"Tsk! Sana mabunggo ka"

Di ko na lang sya pinansin at nahiga na lang. Grrr!! Ang lameg talaga! Idagdag mo pa yung aircon. Tapos isang unan lang ang binigay niya saken.


***


Napabangon ako dahil sa di ko na makayanan yung lameg. Tsaka takot ako sa dilim.. T^T
Pakiramdam ko kasi di ako makahinga kapag walang ilaw.

"Makalabas na nga lang"

Bulong ko pa tsaka ko kinuha yung unan at naglakad papunta sa pintuan.

Bat ganun ayaw mabuksan? Kanina ko pa pinipihit yung doorknob pero ayaw talaga nyang mabuksan..

Huhuhu!! Magbukas kana please..sige na naman oh! Bulong ko pa saking sarili tsaka muling pinihit yung doorknob pero ayaw talaga..

"Ouch!"

Sinipa ko kasi yung pintuan kaya ayun ako yung nasaktan. Hello hindi naman nasasaktan yung pintuan, Hamna!

"Ano ba yan natutulog na yung tao oh!"

"Tsk, bat ayaw mabuksan ng pintuan?!"

Pasigaw na tanong ko sa kanya. Buti pa sya mukang ang sarap na ng tulog eh! Ako naman eto di makatulog bwe***!

"Sinong nagsabi sayong sigawan mo'ko!!"

Gulat ako ng bigla na lang syang sumigaw tapos hinagisan pa ako ng unan sa mukha. Aray ah! Sa mukha ko pa talaga yung tinamaan niya. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Ah eh sorry..."

Sabay peace sign ko sa kanya. Napasuklay naman sya sa kanyang buhok..Tsaka ako tinignan ng masama.


O___O


Ala nagsorry na nga ako eh. Ano pang gusto niya lumuhod ako? Ngek ngek niya!

"Uy saan mo'ko dadalhin?"
Hinawakan niya kasi yung wrist ko ng mahigpit tsaka sya may pinindot sa gilid ng pintuan kaya na-open niya yun. Tsk, my secret code pala dun..

"Saan mo ba ako dadalhin?"

Di naman niya ako sinagot basta hinila lang niya ako. Nagpahila na lang ako sa kanya.. Wala rin naman kasi akong magagawa. =__=

Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon