Chapter 20: Picture of Us ^__^ (Shayne Chapter)

237 7 0
                                    

SHAYNE POV

Nandito na kami ngayon sa venue kung saan gaganapin yung party nila pinsan. Pagpasok namin may red carpet sa gitna at sa taas naman nun ay ang napakagarbong at napakalaking chandelier.

"Wow! Ang ganda.."

Rinig kong komento ni Hanna habang naglalakad kami sa red carpet. Pansin kong panay ang tingin samen ng mga bisita habang naglalakad kaming tatlo.

Tsk, syempre mga dyosa ang ganda namin ngayon kaya ganyan sila makatingin ^__^b

Sabay tingin ko sa isang lalake at nagpacute dito. Hahaha landi lang noh?

"Woah there are so many business man here!"

As usual maarteng sabe ni Mei na panay ang tingin sa mga guest ni tita.

Tsk, balak pa ata magpaligaw ng isang to sa mga matatandang business man, hahaha!!

"Edi magpaligaw kana sa kanila"

Pangaasar ko dito sabay grin. Tinaasan lang nya ako ng kilay. Sanay na ako sa pagtataray ng isang'to kaya wafect na saken ^___^

"You think I am a gold dealer, duh!"

Sabay flip niya ng buhok nyang kinulot namin kanina ni Hanna. Kung di ko lang kasama kanina si Hanna, malamang yung buhok niya pinaglaruan ko na.

Aasarin ko na naman sana si Mei pero di ko na nagawa ng biglang lumapit samen yung kambal kaya napatingin ako sa kanila.


O______O


Si Yzen ba etong nakikita ko?!

Sabi ko saking sarili habang nagwiwink pa. Di ko pwedeng kusutin yung mata ko baka masira yung eyeliner ko.

"Hi Shayne, you look good".

Sabi niya habang nakatingin saken ng deretso at nakangiti.

Yung ngiting yun talaga ang namiss ko kay Yzen. Yung ngiti na kapag nakita mo parang sobrang saya nya at parang walang bahid ng kalungkutan sa kanyang mga mata. Yun yung nakikita ko ngayon kay Yzen.

"Shayne, hi daw sabi ni Yzen."

Rinig kong sabi ni Hanna dahilan para mabalik ako sa real world, lol ^___<

"Uhm-h-hi Yzen"

Medyo nauutal na bati ko sa kanya dahilan para matawa sya ng bahagya ganun din yung kakambal niya.

"Nauutal bro, meaning naga gwapuhan sayo!"

Pang-aasar pa saken ni Yden. Ayos na sana yung sanabi niyang 'naga gwapuhan', pero yung 'nauutal' naginit talag ulo ko dun. =.....=

"Nagagwapuhan ka saken, Shayne?"
Sabay hawak pa nya sa batok niya.
"Dati na akong gwapo, ikaw lang di nakakapansin"
Pagtutuloy niya sabay smirk saken.

Di ko alam kung baket yun yung sinabi niya. Well aaminin ko di talaga ako naga gwapuhan o naaastigan sa kanya. Ewan ko kung baket ganun? Pero sa mga narinig kong yun, parang nakaramdam ako ng konteng guilt.

"Hugot yun bro!"

Pang aasar ng kakambal niya pero siniko lang sya ni Yzen.

"Well let's go. Sa iisang table lang naman tayo"

Yaya ni Yzen samen kaya ayun di na lang ako nagsalita. Sumunod na lang kaming tatlo sa kanila.

Umupo kami sa isang pa-round na table na di kalayuan sa mini stage na ginawa nila. Kasama namin sina Nathan, Yzen, Yden at si Calvin.

Teka wala ata si pinsan?

Bulong ko pa tsaka lumingon sa mga guest para hanapin si pinsan. Pero wala talaga sya sa party.

"Matt, si pinsan?"

Tanong ko kay Calvin dahilan para mapatingin sya saken. Abala kasi sya sa paglalaro sa phone niya kanina.

"Sabi niya susunod daw sya"

Parang alanganing sagot nito saken. Tsk, party nila to, kaya dapat meron siya!

Tatawagan ko na sana sya ng biglang nagsalita si Yzen na nasa right side ko.

"Wag mo ng tawagan nandito na sya"

Sabay turo sa isang dereksyon kaya napalingon ako dun. At nakita ko ang isang lalakeng nakasuot ng formal at nakapamulsa habang naglalakad ito. Di mawala ang mga nakakalokong ngiti niya samen.

Tsk, fc naman neto, I mean feeling cool naman nya! Tsk, di naman bagay!

Tinignan ko lang sya ng masama habang papalapit sya sa pwesto namin. Nginitian naman nya ako ng nakakaloko.

Aba nang-aasar talaga!

Napatingin ako kay Hanna sa left side na lang kasi niya yung available seat. Kaya natural dun uupo si Jim.

"Sorry late ako"

Sabay hawak pa niya sa batok niya. Ibang klase talaga tong si pinsan!

"Ayos lang yan di pa naman nage start yung party nyo"

Sagot naman ni Calvin sa kanya. Well di ko talaga alam kung paano naging mag bestfriend yang dalawa. Kasi nung nasa grade school kami lagi silang nag-aaway. Kulang na lang isumpa nila ang isat-isa.

Nawala ako sa pag-iisip ng bigla akong nakaramdam ng kurot saking kaliwang kamay. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Hanna, wants to take a picture of us. Pero wala ka sa sarili mo."

Sabi ni Mei sabay irap saken at tumingin sa harap kung saan nandun si Hanna na kukuha samen ng picture. Kaya ginaya ko na lang sya ngiti sa camera. ^__^

Say cheese!

Sabi niya kaya yung iba napatingin na rin sa kanya. Pansin kong parang lumapit pa saken si Yzen pero di ko na lang pinansin yung pagdikit ng mga shoulder namin. Parang ang weird talaga nya ngaun?

Ilang saglit pa lumapit si Hanna sa isang waiter at kinausap nya eto. Mukang nakiusap sya na kunan kami ng pictures kasi tinanggap nung lalake yung camera.

Say chezze!!

Sabi pa niya kaya nagmadaling umupo si Hanna sa tabi ni pinsan bago kami kunan nung lalake. Matapos ang two shoots nagpasalamat naman siya dun sa lalake.

"Han, patingin ako"

At inabot naman nya saken yung camera. Grabe ang ganda talaga ng mga kuha namin lalo na nung kasama namin si Hanna. Feeling ko parang magkakaibigan kaming lahat ^____^ Well para saken, half of it is true. Ewan ko lang kung kaibigan ang turing nila kay Mei at Hanna.

Napatigil ako sa isang picture na meron si Hanna. Pag zoom ko kasi nung picture nakatingin si Jim kay Hanna. Si Hanna naman nakangiting tumingin dun sa camera. Kaya na amaze ako.

Pwede! Bagay talaga silang dalawa ^___^b ❤

Bulong ko pa saking isipan habang nakangiting tinititigan yung picture na'yon.

Teka bakit sya nakatingin saken ng ganun?

Nawala ang ngiti ko ng mapansin ko sa isang picture namin. Pano kasi si Yzen nakangiti sya habang nakatitig saken.

Oh my ghad! May gusto ba sya saken?





Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon