Chapter 62: Vacation Is Coming

162 4 0
                                    

YDEN POV

"Kambal naka review kana?"

Tanong ko kay Yzen na abala ngayon sa pagta type sa laptop niya.

"Oo kanina pa"

"Naks talino ah.. geh galingan mo sa exam para isama kita sa resort na pupuntahan natin after ng exam"

"Nag review na ako kaya wag ka ng maingay.. "

Hindi talaga kami magkasundo minsan ng kapatid ko. Dahil siya, masyado siyang responsible person at ako naman ang opposite niya.

Alam niyo ba ladies na makakuha lang ako ng grade na 75 ay ayos na saken yun. Aanuhin ko yung mataas kung pudpod na utak ko haha..

Hindi ko na siya kinulit at nagpatuloy na ako sa pagbabasa. Hay dalawang araw na mae stress ako sa pagre review.. Sana talaga makapasa ako sa lahat ng subject ko.

KINABUKASAN..

This is it! Examination day na.. Kinakabahan man pero pilit kong pinarerelax ang aking sarili. Nakita ko si Mei na nagbabasa habang naglalakad papunta sa building nila. Malapitan nga..

"Ouch! Ang sakit ah"

Irita niyang asik matapos ko siyang bungguhin. Tinignan naman niya ako ng masama at pilit na tumatayo. Tutulungan ko sana siya kaso tinapik niya yung maganda kong kamay

"Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa itong galit"

"Wow ha! Thank you for concern but I know na sinadya mo yun"

Galit niyang sabi saken matapos niyang tumayo sa pagkakadapa. Nginitian ko lang siya tsaka sinundan. Mahirap na baka mabunggo na ng tuluyan si Ms. Mataray kaya kailangan bantayan ng isang katulad kong Playboy.

"Wag mo nga akong sundan"

"I want to make sure na safe kang makakapunta sa room mo"

"You don't have to do this.. Come on pumunta kana sa building niyo. The exam will start at 8:00 am"

Shocks I need to go na rin pala. Masmalayo pala yung building namin kay a yung sa kanila. Patay ako kay kambal kapag nalaman niyang na-late ako..

Utak ko kumundisyon ka okay.. Wag kang lalampa lampa.. 

NATHAN POV

"Ladies matagal pa ba yan?!"

Nandito ako ngayon sa bahay ni Mei. Dito kasi natulog yung dalawa at malamang plinano na nila to. Kasi nakahanda na ang mga maleta na dadalhin nila papunta ng Palawan.

Hayst! Mga babae talaga oh ang bagal kumilos. Kung anu- ano pa kasi ang nilalagay sa sarili. Baka nauna na yung kambal at si Nick sa Airport..

"Hay naku Nathan wag ka ngang atat.. Makakarating din naman tayo dun"

Bulyaw saken ni Shayne habang bumababa ng hagdan. Aba ako pa ngayon ang atat ah? Kung hindi lang ako pinilit nung Yden nayon, hindi ako sasama sa vacation thingy na yan.


"I know pero malamang yung mga kasama naten ay nasa airport na"

"Hay tara na nga"

Hindi na ako nakatanggi ng bigla akong hatakin ni Hanna palabas. Bwisit! Hindi na lang sana ako sumama sa trip nila. Nagbakasyon na lang sana ako sa Paris.

>_______<*

"Nathan where are we?"


"Nasa Tarlac pa lang tayo, Mei"

"Malayo pa pala tayo.. Shayne please tumahimik ka. I want to sleep"

Mukhang naiingayan siya kay Shayne haha.. Nagfocus na lang ako sa pagmamaneho. Astig naman ng role ko. Ako na nga itong sumundo sa kanila. Ako pa etong driver nila..

Sana naman sa paguwi namin galing bakasyon eh hindi na sila sasabay saken.




 

CALVIN POV

Exam day is over.. I am now at my condo unit while preparing my lagage for our vacation. I'll stop what I doing when someone rang my door bell.

"Hi Calvin pwede mo ba akong isama sa vacation niyo?..You know I missed him"

Masayang bungad saken ni Crystal.. Kunot noo ko naman siyang tinignan dahil sa suot niyang damit. Paano kasi labas na yung kaluluwa niya sa sobrang hapit nun.

"Ang mabuti pa magpalit ka ng damit"

"Why? What's wrong with my outfit?"

"Seriously Crystal.. Oh suotin mo Yan kung gusto mong sumama"

Hinagis ko sa kanya yung mahaba kong polo na long sleeve. Para kahit paano matakpan yung dibdib niya.

"Aarrgghh! Fine I'm going to change my outfit pero hindi ko kailangan to"

Binalik naman niya yung damit ko. May dala siguro siyang damit kaya niya binalik. I look at her back while she was on her way to my comfort room.

"Kapag sinuot ko yan, iba ang iisipin ni Jimin... Don't worry may dala akong t-shirt dito"

Hindi naman ako nagreklamo sa sinabi niya. At ipinagpatuloy lang ang pagaayos ng dadalhin ko. Kanino naman niya nalaman yung tungkol sa bakasyon namin? Siguradong magagalit saken sina Nathan. Pero wala na akong magagawa kasi kaibigan ko rin naman siya.

"Crystal are you finish?"

"Yah coming!"

"Hurry up pupunta na tayo"

Lumabas naman siya sa comfort room na nakaayos na ang sarili. Kahit anong klase talaga ng ayos ng buhok niya at bagay sa kanya.

"Do you think welcome ako sa mga kaibigan ninyo?"

"Not sure.. But I guess they're going to accept the fact that you are there"

"Hopefully.. I missed him so much"

"Siya lang ang na-miss mo?"

"Of course you too.. And yung kambal haha"

Napuno ng tawanan at kuwentuhan ang byahe namin. Pupunta lang naman kami sa isang beach resort na ipinagmamalakeng pinakamagandang resort daw according to Yden..

Saan? Sa Palawan lang naman. Ang lakas ng trip eh noh alam niyo bang after ng exam eh pinag book niya kaming lahat para lang doon magbakasyon ng one week..

"Did you bring your ticket??"

"Of course.. Mukhang napagastos na naman tayo sa trip ni Yden haha"

"Your right.. But I can't object kasi gusto naman ng nakararami"

"Let's say na kailangan rin naten mag-enjoy"

Nginitian ko na lang siya habang pinapark yung kotse ko sa airport. Ipapapick up ko na lang ito sa pinsan ko. Dumeretso kami agad ni Crystal sa Cebu Pacific Airline at pumasok na dala ang aming mga bagahe.

Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon