Chapter 26: Meeting para sa Sport fest

242 9 0
                                    

A/N:
Thank you po sa mga nagvote ng LT, sa mga readers ko na naghihintay sa update ni rachel_han ^___^¥ Lol ako naman yun hahaha!! New chapter is heree! ^__<

NATHAN POV

Nandito ako ngayon sa office naming mga club officer. Hinihintay ko yung mga ibang officers. Di ba dapat sila ang naghihintay sa head ng lahat ng club! Hindi ako ang pinaghihintay! After kasi ng announcement kanina sinabi ko sa kanila na mga 6pm may meeting. Habang inihahanda ko yung presentation ko biglang bumukas yung pinto ng room pero di ako lumingon para tignan kung sino yung pumasok.

"Hi Nathan, ako ang pinapunta ni Jayron may emergency daw sa bahay nila"

Rinig kong sabi ng isang babae kaya nagangat ako ng tingin sa kanya. Tsk, si Mei pala vice president ng buletin club.

"Bakit di nyo kasama si Hanna nung matapos yung announcemnt?"

Nagulat naman sya nung tanungin ko sa kanya yon. Ano kayang nangyare dun?

"Sabi ni Chelie bigla na lang daw syang umalis nung napanuod nya yung ginagawa ni Jimin dun kanina"

Malamang nagselos yun kaya umalis agad. Tsk! Kainis, bakit pa kasi sya nagkagusto sa lalakeng yun?!

Matapos ang ilang minuto pumasok na yung ibang officer kaya sinet ko na yung projector at LCD.

"Guys nandito na ba lahat?"

"Oo Nathan kumpleto na"

Sagot nung isang lalake na nakaupo malapit sa pintuan ng room. Relax ka lang Nathan aaprobaran din nila yang plano mo. Ikaw pa malakas ka sa mga babae ^____^

Karamihan kasi na mga club officer ay mga babae.

"Okay let's start on the color of the shirt. Any suggestion or opinon?"

Tanong ko sa kanila yung iba nakatitig lang sa projector na parang walang pakealam. Ilang saglit pa nagraise ng kamay yung president ng cheering club nakasuot kasi sya ng pang cheering.

"Can you change the color orange into purple. Tapos yung white palitan mo na lang ng orange"

Sabi nya at nagbulingan naman yung iba. Samantalang yung iba napapatango lang. Sa tingin ko ayos naman yung suggestion nya. Magtatanong na naman sana ako ng biglang may nag raise na naman ng kamay. Pagtingin ko dun sa lalake may bitbit syang guitar kaya sa tingin ko sa music club to.

"Yes"

"Sa tingin ayos lang yung suggestion nya. Di ba guys?"

Tumango naman yung ibang officer. Purple diba para sa mga babae lang yon? Ang laswa naman tiganan kapag lalake magsusuot ng purple T^T

"Sige ayos yung suggestion mo miss. Pero sa mga lalake na player pwzde sila magsuot ng violet para kaaya-ayang tignan. Ayos ba yun mga dude?"

"Ayos na ayos!"

Buti naman at pumayag sila. Kala ko magsusuot na ako ng purple kung nagkataon na sa violet team ako pupunta. Sunod na iprenesent ko ay yung mga outdoor and indoor games na lalayruin ng bawat team.

"Bakit may indoor games like chess, sudoku, table tennis?"

"Para yan sa mga may asthama. Ayoko naman na isipin nila na di sila kasali sa game dahil sa may sakit sila. Kaya to be fair sinali ko yung ibang indoor games"

Oh ha galing ko noh! Magiging accountancy student ba ako kung di ako matalino?

"I think he's right. Para naman di sila mabored"

Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon