Chapter 72: Revelation

188 3 0
                                    

Lance POV

Nasa school ako ngayon nila Hanna upang tignan siya sa building nila. Gusto ko lang sana siyang kamustahin at asarin. Wala kasi akong magawa sa condo.

Malapit na ako sa building nila Hanna nang may mapansin akong mga estudyante na nagkukumpulan sa isang tabi. Ano naman kaya ang pinagkakaguluhan nila dun?

Dahil sa sobrang pagkacuriousity ko ay lumapit ako sa kanila. At nakita ko na nakabulgta si Hanna sa sahig.

"Hanna!! Hanna wake up!!"

Sa sobrang pagkataranta ko ay agad ko siyang binuhat ng pabridal style at tinanong sa mga students kung saan ang clinic nila. Agad naman akong tumakbo papunta sa direksyon na yun habang buhat buhat si Hanna.

"Please Hanna wake-up!!"

"Nurse!! Nurse!!"

Sigaw ko mula sa labas at ayun in-assist naman kami ng nurse. Agad nilang pinahiga si Hanna sa kama at chineck naman siya ng doctor. Naghintay naman ako sa labas ng clinic hanggang sa may tumawag saken na nurse.

"Doc, how is she? "

"According sa diagnosis at observation ko sa kanya. Napansin ko na mabilis ang kanyang pulso." Nginitian pa ako ng doktor  nangunot naman ang noo ko sa narinig. Bakit kaya siya nakangiti wala bang sakit si Hanna. " Congratulations sir, your girlfriend is 2weeks pregnant"

"Pregnant?"

"Yes sir buntis po ang girlfriend ninyo."

Paglilinaw nito saken kaya nagpasalamat na lang ako sa kanya. Sa isip ko sana nga ako na lang ang kanyang boyfriend hindi si Jimin. Umupo naman ako sa tabi ng kanyang kama at hinaplos ang kanyang noo.

"I wish i am the Father of that child pero hindi eh.. Hindi iyon mangyayare kahit kailan"

Nagising si Hanna at gulat naman siya kung bakit ako nakangiti ng malapad sa kanyang harapan.

"Hanna wag kang magugulat ah"

"Bakit anong nangyari saken?"

"Your pregnant Hanna magkakababy na kayo ni Jimin"

Bigla naman siyang nagulat sa ibinalita ko sa kanya. Alam ko masakit saken na bigkasin iyon mula saken pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Nagmukha akong parang tanga na nakangiti sa harapan niya. But deep inside nasasaktan ako.

"Seryoso? Magkaka-baby na kami?!"

"Yes Hanna.. pano ba yan mukhang magiging ninong na kami ni Nathan."

Tinapik lang niya ng mahina ang aking balikat at nakangiting bumangon sa kanyang kama. Agad ko naman siya inalalayan.

"Lance please ihatid muna ako sa bahay. I want to go home. Gusto kong ibalita kay Jimin that i am pregnant"

I just nodded at her at bago pa man kami umalis sa clinic ay nagpasalamat naman kami mga nurse at doctor na umasikaso samen.

Habang nagmamaneho ay panay ang lingon ko sa gawi ni Hanna. Alam kong masaya siya ngayon sa nalaman niya at sana naman wag na siyang masaktan pa dahil kay Jimin.

"Hanna before you go. Let me tell you this"

Pigil ko sa kanya nang akmang bubuksan na sana niya yung pintuan ng kotse.

Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon