Chapter 76: My way of saying Goodbye

233 3 0
                                    

Hanna POV

Nasa school ako ngayon para asikasuhin yung mga records ko. Hindi alam ni papa at ng mga kaibigan ko na magda-drop na ako.
Ayokong pigilan nila ang pag-alis ko kasama si Lance dahil pupunta  na kami sa U.S sa makalawa.


"Ms. Hanna Montes bakit ka naman magdodrop? Kakastart pa lang ng 1st semester for you third year"


Bungad na tanong saken ni Mr. Guererra pagkapasok ko sa registrar office. Hawak-hawak niya ang drop out letter na finill-upan ko kanina lang.  Siya kasi ang head ng registrar. Tumingin naman ako sa kanya saka bumuntong hininga.


"Confidential po sir kaya di ko po pwdeng sabihin"


"Okay I understand kung ayaw mo sabihin. Alam na ba ito ng parents mo"


"Opo sir"


I lied ayaw ko naman sabihin na hindi pa alam ni Dad ang tungkol sa biglaang pagda drop ko dahil sigurado ako isa rin siya sa tutol sa gagawin kong desisyon.



"Paano na ang studies mo Ms. Hanna two years na Lang graduate kana. Hindi ka ba nanghihinayang"


"Ipagpapatuloy ko naman po yan sa ibang bansa Sir. Beside pamilyar ang course ko sa pupuntahan kong bansa"



"Final na talaga ang desisyon mo hija. Kasi kapag ito nastamp ko na ng drop out hindi na mababawe"



Pumikit muna ako ng mariin saka dahan-dahan tumango sa kanyang harapan. Wala ng bawian ito buo na ang desisyon ko. Para ito sa akin at sa magiging anak ko.



Kung kinakailangan kong lumayo para sa ikatatahimik ng puso at isipan ko gagawin ko. Dahil sobra na ang sakit na naranasan ko. At ayaw kong maranasan iyon ng magiging anak ko.



"Kung ano man po ang magiging kalabasan ng desisyon ko hindi ko po iyon pagsisihan"




"Okay Ms. Hanna mukhang hindi na kita mapipigilan pa. Pakihintay mo na lang yung OTR at ibang mga records mo. Bumalik ka mamaya pagkatapos ng lunch break"


Tumango naman ako sa kanya tsaka lumabas ng Office niya. Pinagtitinginan naman ako ng ibang mga staff na nandun sa registrar pero hindi ko naman sila pinansin.


Agad akong pumunta sa building nila Nathan para makapag-pasalamat sa kanya ng maayos. Habang nasa hallway ako ng building nila panay rin ang lingon ko sa mga rooms nila. Mamimiss ko ang university na ito.


"Hanna anong ginagawa mo dito? Pumunta ako kahapon kina tito pero wala ka doon"


Napalingon naman ako sa harapan ko. At si Nathan pala itong kaharap ko. Bakit naman siya pumunta kay Dad. Ah baka hinahanap nila ako kahapon.


"Ah hehe may inasikaso lang ako kahapon kaya wala ako"



Palusot ko sa kanya sana naman maniwala siya sa sinabi ko. Nangunot naman yung ulo niya sa kanyang narinig pero agad naman siyang umiling. Kaya nginitian ko na lang siya.


"Bat hindi ka naka uniform"


"Ah eh hehe nabasa kasi yung uniform ko"


Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon