Chapter 45: Busy sila...

224 6 0
                                    

JIMIN POV

Napahawak ako sa sintido ko ng maramdaman ang sobrang pananakit ng aking ulo.

Sh*t! Ang sakit! Taena yung mga hard drinks na yon!

Napapikit pa ako ng mariin habang hawak yung ulo ko. Tsaka ko unti unting minulat ang aking mata.

"Pano ako nakarating dito?"

Nagtatakang tanong ko sa sarili habang nililibot ng aking paningin ang kabuuan ng kwarto ko.

"Ah!"

Napasigaw ako sa gulat ng may maramdaman akong humawak sa binti ko. Kaya napatingin ako sa taong yun.

O_O

Teka anong ginagawa niya dito? Nakita ko si Malas na mahimbing natutulog saking tabi.

Tsk, anong ginagawa niya dito sa kwarto ko?! Pucha! Di ko siya pinayagan na matulog dito!

Sa inis ko tinadyakan ko siya dahilan ng pagbagsak niya sa baba. Tsk, wag mo kong sisihin kung masakit yang katawan mo!

"Ouch!"

Angal niya tsaka niya ako liningon at tinignan ng masama. Nakipagsabayan naman ako sa kanya.

"Ang sama mo!"

Sigaw niya pa bago inis na tumayo. Tsk, naging ganito ako ng dahil sayo gag*!

"You turn me into this"

Sarcastic na sabi ko sa kanya. Kung hindi sana siya pumayag sa gusto ni mama. Di sana masaya pa ako ngayon kasama ang babaeng mahal ko!

"Ah talaga?...Kasalanan ko nga pala kung baket naging miserable yang buhay mo"

Seryoso niyang sabi ng medyo may galit habang binibigkas ang mga salitang iyon saken. Ngumisi naman ako ng mapakla.

"Magaling kang artista. Bagay sayo yung rule na KONTRABIDA"

Sarkastikong sabi ko pa ng may diin sa huling salita. Tsk, wala akong pake kung masakit yung sinabi ko. At maslalong wala akong pakialam sa mararamdaman mo!

"Hahaha!!...Your right. Kontrabida nga pala ako ng BUHAY MO"

Sarkastikong sabi niya rin saken bago humakbang palabas ng kwarto ko.

Tsk, buti alam mo! Napatitig na lang ako sa kanyang paglabas hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

***

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kanya habang abala siya sa ginagawa sa kusina.

"Tsk, matalino ka diba?"

Sarkastikong sagot niya saken ng hindi ako nililingon. Abala lang siya sa ginagawa niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa matunton ko yung ref.

Pasimple akong tumingin sa kanya at nakita kong nagluluto siya ng fried rice at nagpriprito ng bacon.

Tsk, nagpapagod ka lang! Di naman ako kakain ng niluto mo. Lumabas ako ng kusina at muling pumasok sa kwarto para mag shower.

***

"Nagsasayang ka lang ng pagkain"

Sarkastikong sabi ko sa kanya dahilan para mapatigil siya sa paglalapag ng mga niluto niyang pagkain sa mesa.

Pansin kong ngumisi naman siya tsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa.

"Ginagawa ko lang ang responsibilidad ko bilang ASAWA mo"

Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon