Chapter 56: Unexpected Question

208 4 1
                                    

HANNA POV

"Ano ba kasi yung sasabihin mo huh?"



"Chelly pwede bang iwan mo muna kami"


Nagtataka man si Chelly pero tumango rin siya kalaunan at umalis..
T^T katapusan ko na talaga huhuhu



Tinignan ko naman ng masama so Nathan matapos niya akong kaladkarin papunta sa kotse niyang naka park malapit sa tinambayan namin ni Chelly.


"Get inside"



"What? Hey ano ba Nathan?!"


Imbis na pakinggan ako bigla na lang niya akong sapilitang ipinasok sa loob ng kanyang kotse.



"Sabihin mo lahat ng nangyare. Gusto kong marinig mula sayo ang lahat"



"Hindi kita boyfriend para alamin ang lahat ng nangyayare saken"



"Pero kaibigan mo ko Hanna. Simula nung nasa elementary pa lang tayo kaibigan na kita"



"Fine I'm sorry nadala lang ako ng galit ko"



"It's okay. So what happened to you and to Chelly?"


Ayon ikinuwento ko ang mga nangyare samen kanina sa canteen. Kaya hindi na niya ako sinisisi.



"Hanna next time na guluhin ka ng mga iyon.. Tawagan mo kami ni Lance at pupuntahan ka namin"



"Okay po"



Ngumiti naman siya nang sinabi ko yun kaya napangiti rin ako. Nakakadala kasi yung ngiti niya.




"Tsk, kamusta kayo ni Jimin?"



Bigla ay tanong niya na ikinagulat ko naman. Mapakla akong ngumiti at tumitig sa kanya bago sumagot.




"Ayos lang kami"




Tila hindi naman siya naniniwala sa sinabi ko dahil nagtaas siya ng kilay niya. Nakakatawa man isipin pero kaya niyang gawin yun haha! 



"Wag kang magsinungaling. Kilala kita Hanna"



Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Tsk, talagang kilala na niya ako ng lubos. At maskilala pa ata niya ako ng lubos kaysa sa kanyang sarili.


"Hindi lahat ay pwede kong sabihin Nathan.. Malayo na ako sa dating buhay ko noon"



"Nakalimutan mo na ba na magaling akong maglihim ng sekreto"



"Tsh, alam ko pero buhay ko'to..  Please wag ka ng dumagdag pa sa problema ko"



Natahimik naman siya sa sinabi ko sa kanya. Ayaw ko kasi na nadadamay siya sa gulo kapag nagkataon. Maslalo kasing lumalaki ang problema kapag naidamay etong lalaking to.



Tumingin ako sa kanya at seryoso lang siyang nakatingin sa labas. Kailangan kong magsorry mukang nasaktan ko siya sa sinabi ko sa kanya.



"I'm sorry sa mga nasabi ko"


"Tsh, sanay na ako.. Teka may klase ka pa?"



Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon