Chapter 52: Secretly Jealous

239 6 5
                                    


Hanna POV

Hayst kapag minamalas nga naman oh! Bakit sa dinami dami pa ng araw, buwan at taon. Ngayon pa naisipang magbakasyon nitong si Lance.. And worst, mukang sa bahay pa namin ni Jimin mamalagi ang baliw na'to.

Alam kung nagtataka kayo kung sino si Lance sa buhay ko. Siya lang naman ang taong laging buntot ng buntot saken nung nasa Paris ako last summer vacation. Hindi ko nga alam kung kalian ko siya naging boyfriend eh. At kung paano ko ba siya naging girlfriend?

Yung mga panahon kasi na nasa Paris ako, etong si Lance ginawang tambayan ang condo unit doon ni Nathan kung saan ako namamalagi kapag nagbabakasyon ako dun. At dahil malas ako naabutan kami ni Papa nagsusubuan ng ice cream sa sala noon. Basta iyon na yon, ikukuwento nalang ng mokong na'to kung anong sumunod na nangyare.

"Hanna buhay ka pa ba?"

Nabalik ako sa realidad matapos marinig ang boses ni Lance. Napalingon naman ako sa kanya na nakangisi lang saken. Dahil nagtagumpay na naman siya sa pang-aasar saken. Tinignan ko lang siya ng masama.

Bwisit talaga ng lalakent to! Bakit ba kasi siya umuwi kainis!

"Alam ko ang iniisip mo ngayon. Siguro iniisip mo kung bakit ako nagbakasyon ditto sa Pilipinas.. Well gusto ko lang malaman kung karapat dapat ba itong lalakeng ipinagpalit mo saken"


Walang preno niyang tugon habang ang atensyon ay nakay Jimin na abala sa pagmamaneho. Napatingin naman ako sa rear mirror at hindi nakatakas ang pangungunot ng kanyang ulo dahil sa pagtatka.


"Well let's see kung mas better nga ba itong ipinalit mo saken kaysa saken.."


Nakangising dagdag pa niya. tsaka naman ito lumngon saken at nginitian ako. Ngiting demonyo, tsk! Isa lang ang masasabi ko kung ano man ang binabalak mo Lance sisiguraduhin kong hindi mo mababago ang ginawa kong desisyon noon.


***


"What a joke.. Hinahayahan mo ba na si Hanna ang magluto ng dinner ninyo?!"


Rinig kong sigaw ni Lance kay Jimin sa Living room. Sinasabi ko na nga ba eh, gulo lang ang hated ng mokong na'to. Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy na lang yung niloloto kong Adobong Manok. Eto kasi ang isa sa mga paborito ni Lance na lutong bahay.


"Fvck! Who are you to shout on me?!"

Rinig ko rin sigaw ni Jimin sa kanya. isa pa itong si Jimin , na short tempered. Isang sigaw lang sa kanya eh yung galit niya ay sing taas na ng Mt. Everest ang level nun

Wala akong pakialam kung magbugbugan man kayo dyan sa living room. Ang importante saken ay tapusin itong niluluto ko at ng makakaen na.


"Tulungan mo yung asawa mo dun sa kusina"


Pagpupumilit nanaman ni Lance sa kanya. hay nako Lance kung alam mo lang. Daig ko pa ang isang katulong kung pagtrabuhin ako at utusan ako nitong si Jimin sa mga gawaing bahay.


"Then do it by yourselves! I don't care kung napapagod man siya o nahihirapan dahil iyon ang pinili niya."

Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon