Chapter 67: Sa Palawan Part 5 ( Kissing my Wife 💋)

182 5 0
                                    

JIMIN POV

Ewan ko ba kung bakit iyon ang nasabi ko. Basta bigla na lang lumabas ang mga katagang iyon saking bibig. Wala ng atrasan to nasabi ko na.

Lumapit ako sa kanya para matitigan ko ng husto ang kanyang mukha. Umiyak nga siya, kasalanan ko to.

"Jimin totoo ba yung mga narinig ko?"

Tango lang ang isinagot ko sa tanong niya  mukang nagtataka naman siya sa kanyang mga narinig. 

"Hanna can we talk?"

"Sorry Nick pero babalik na ako dun baka nag-aalala na sila Nathan saken"

"Hindi nasabi ko na sa kanila na kasama na kita ngayon"

A fake smile form into my face. Pasensya na kung magsisinungaling ako sayo ngayon Hanna. Gusto ko lang na mag-usap tayo.

"Ganun ba. Ano ba yung gusto mong sabihin saken?"

"Before that, gusto kong mag-sorry dahil sa  nasaktan na naman kita kanina. I'm really sorry Hanna"

"Bakit ka ba nag-sosorry ngayon eh di ba wala ka namang gusto saken at isa pa di mo naman ako mahal di ba?"

Malungkot ang kanyang mukha matapos niyang tanungin yan saken. Hindi naman ako nakapagsalita.

Ano nga ba si Hanna saken? Ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya? Tanong ko saking sarili habang nakatitig pa rin sa kanya.

"Silent means YES.. Dapat siguro di na lang kita tinanong kasi mukhang tama lahat ng mga sinabi ko. Alam ko naman eh na siya talaga ang MAHAL MO. "

Dugtong pa niya tsaka umiwas ng tingin saken. At pilit na pinipigilan ang sarili na umiyak. Mukhang nabigo naman siyang pigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

"Ang TANGA ko talaga bakit ba kasi ikaw ang MAHAL ko? Bakit hindi na lang si Lance or si Nathan? Bakit ikaw pa Jimin Nick Perez"

"Hanna.."

"And worst bakit ako pumayag na magpakasal sayo? Noong una masaya ako dahil kasal ako sayo pero sa huli nagsisisi na ako. Kasi hindi pala sapat ang ako lang mag-isa ang nagmamahal. "


"Hanna.."

"Ano bang meron siya na wala ako ha Nick?! "

Tanong niya saken habang patuloy ang pagtulo ng mga luha niya sa kanyang mga mata. Siguro nga hindi ko napansin ang mga ginawa niya saken? Kung paano niya ako pangalagaan at kung gaano niya ako kamahal. Dahil kay Crystal lang umiikot ang mundo ko. Ang dami ko pa lang sinayang na panahon sa kanya. 

Pero isa lang ang hindi ko pinagsisihan. Yung araw na inagaw ko siya mula kay Lance at ikinulong siya saking kwarto. And we make loved. Nang mga oras nayon masaya ako ng ibigay niya saken ang kanyang sarili.

"Ano hindi ka makapagsalita! Wag kang mag-alala tanggap ko na, na siya lang ang mahal mo at hindi ko nayon mababago. Kaya pwede ba Nick maghiwalay na tayo! Ayaw ko man sabihin ito pero alam kung ito ang nararapat kong gawin. Jimin Nick Perez .."

Kinakabahan ako sa mga salitang bibitawan niya. Pumikit naman siya at bumuntong hininga. Please Hanna wag mong sabihin ang mga salitang nasa isipan mo ngayon.


Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon