Chapter 69: Sa Palawan Part 7

226 8 0
                                    

NATHAN POV

"Good morning Nathan"




"Aba anong nakaen ng isang Hanna Montes Perez? Ang saya mo ngayon"





"Wala.. Masaya lang talaga ako ngayon"





"Okay.. Baka kasi may bipolar kana pala di mo sinasabi"





"What? Anong Bipolar ang pinagsasabi mo? Baliw"





Kung ano man ang nangyare sa kanila ni Jimin masaya ako para sa kanila. Sana lagi ka na lang masaya Hanna. Kapag nakikita ko na masaya ka, masaya na rin ako.
Nginitian ko na lang siya. Nandito pala kami sa beach house. Nag-suggest kasi si Jimin kanina na mag-beach activities kami.





"Ang tagal naman mag-usap ng dalawang iyon.. Gusto ko ng sumakay ng bangka"






Atat na sabi ni Yden habang paikot-ikot na parang baliw sa harapan namin. Umiling-iling na lang ako tsaka tumayo. Nag-uusap kasi ngayon si Crystal at si Jimin.






"Saan ka pupunta? "




Tanong ni Hanna habang binabaliktad yung mga nalutong seafood sa kabilang side.




"Dyan lang sa tabi-tabi.. Bakit sasama ka"





"Nope.. Wag kang lalayo ah, mamaya maluluto na'to"






Sabi niya kaya tumango na lang ako. Ang totoo niyan pupuntahan ko sina Jimin at Crystal. Makikinig lang ako ng palihim. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaibigan ko. Kundi dahil wala akong tiwala sa babaeng iyon.





Nang malapit ako sa kanila ay nagtago ako sa gilid ng beach house kung saan sila nag-uusap. Magiging chismoso muna ako sa ngayon haha..

"Tell me.. Do you love her?"





Rinig kong tanong ni Crystal dito habang umiiyak. May sniff effect kasi kaya ayan. Nasabi ko na umiiyak siya. Ilang minuto pa pero walang response galing kay Jimin.






Gago ka Jimin! Wag mong sabihin na niloloko mo na naman si Hanna. Napakuyom ko ang aking kamay habang nakatitig ng masama kay Jimin. Subukan mo lang na saktan ulit siya, ako na ang makakalaban mo Jimin.




"WHAT?! JIMIN... PLEASE ANSWER ME!!"





"YES!! I LOVED HER!!"





"HOW? BAKIT NANGYARE ITO?! YOU SAID TO ME NA AKO LANG DIBA? WHY?! WHY JIMIN?!!"





Nagsisigaw na ngayon si Crystal habang umiiyak pa rin. Nakita ko naman sa mata ni Jimin na nagsasabi siya ng totoo at nasasaktan rin siya para kay Crystal.






"I don't know.. Hindi ko alam kung kailan nag-start.. Basta ang alam ko lang na Mahal ko na si Hanna"






"WHAT THE F*CK!! JIMIN HOW COULD YOU DO THIS TO ME??!! I LOVED YOU.. PLEASE STAY WITH ME.. ARRGHHH!! JIMIN DITO KANA LANG SAKEN"






Sabi nito sabay yakap kay Jimin ng mahigpit. Pero di nagtagal ang kanilang yakapan. Dahil inalis ni Jimin yung yakap ni Crystal dito. Hindi ko na narinig pa yung huling pinag-usapan nila kasi bigla na lang umalis si Crystal habang pinupunasan ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kanyang palad.




Lumapit naman ako kay Jimin kaya nagulat naman siya. Nginitian ko naman siya.





"Kanina ka pa dito?"






Living Together (COMPLETED Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon