Catch Lines/Teaser

8.9K 75 0
                                    


"Huwag kang mag-sorry na para bang nagsisisi ka na hinalikan mo 'ko, na hinalikan kita. Alam kong mahal mo 'ko dahil ramdam ko 'yon sa mga halik mo...o nagkamali ba ako?"

Ambisyon o pag-ibig?

Kung si Anne ang tatanungin, ambisyon ang pipiliin niya. Nagawa nga niyang iwan ang lalaking pinakamamahal para lang sa ambisyon. Pero ngayong isa na siyang sikat na accessory designer at nasa kanya na ang lahat, hinahanap-hanap pa rin niya ang kanyang lumang pag-ibig.

Ambisyon o pag-ibig?

Walang kakurap-kurap na pag-ibig ang pipiliin ni West. Kaya niyang iwan ang lahat at magpakatanga para lamang makasama ang babae'ng itinuring niyang buong buhay niya.

Si Anne at si West, magkaiba ng mithiin pero iisa ang tibok ng puso – ang isa't-isa. Paano kung mabigyan sila ng pangalawang pagkakataon para itama ang mali at ituloy ang naputol nilang pag-iibigan?

Ano kaya ang pipiliin nila ngayon – ambisyon o pag-ibig?

~~

When Anne Meets West Again

by Tamara Cee

released in digital form by Precious Hearts Romances

When Anne Meets West Again (ebook under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon