Chapter 1: "Transferee"

7.6K 211 53
                                    


~Yerin's POV~



7 versus 1...


(Ang patas ng laban diba? Pero wala akong pakialam kahit out-numbered pa ko sa kanila, sanay na naman akong lumaban mag-isa eh. Para saan pa yung sampung taon kong pagsasanay kung maduduwag lang ako sa pitong kumag na 'to?)


Lalaki 1: ano bata? Pinanginginigan ka na ba ng laman??

Lalaki 2: alam mo, may choice ka naman eh. Hindi ka masasaktan kung sasama ka lang sa 'min.

Ako: no thanks nalang sa offer. Masgusto ko ng masaktan kesa sumama sa mga tulad niyong panget na manyakis pa!

Lalaki 3: pare tinawag niya tayong panget at manyakis?!

Lalaki 2: sayang ka! cute ka pa man din, pero dahil sa sinabi mong yun, hindi ka namin sasantohin! (sabay sumenyas ng pag-atake)


Isa-isa nila akong sinugod, at isa-isa ko din silang pinatumba hanggang sa ang matirang nakatayo nalang ay yung lider nila. Medyo naalarma ako nang makita kong may hawak siyang matalas na bagay. Ginawa ko ang lahat para iwasan ang mga atake niya at nang makakuha ako ng tyempo para sa pag-atake ay agad kong naagaw sa kanya yung hawak niya at napatulog ko siya nang matamaan ko siya sa batok niya. Nang mapatumba ko na silang lahat ay agad na din akong umalis.


Ako: marami lang sila, pero wala rin silang sinabi. Tss! *flips hair*


Naisipan na naman akong ilipat ng school ni papa, at pang-apat na lipat ko na 'to ng school pagnagkataon. Halos every year akong lumilipat ng school, dahil na rin sa nature ng business ng papa ko. Medyo nauumay na din ako ng pagpapalipat-lipat, pero wala akong magagawa. Isa pa ding dahilan kung bakit panay ang pag-transfer ko ng school ay dahil na rin sa mga gulo na nasasangkutan ko.


(Hindi naman sa palaaway ako, pero lapitin lang talaga ako ng gulo. Palibhasa kasi leader ng gangster ang papa ko, kaya wag na kayong magtaka kung bakit ako madalas madamay sa gulo.)


Huling taon ko na 'to sa highschool kaya hangga't maaari ay susubukan kong mamuhay ng tahimik sa bago kong school hanggang sa grumaduate ako.

Matapos kong magself-introduction sa harapan ng klase ay pinapwesto na ko ng guro sa bakanteng upuan sa likod. Sa pag-upo ko ay agad kong napansin yung katabi kong lalaki na natutulog, pero nagpataymalisya nalang ako at sinubukan kong makinig sa klase. Ilang sandali pa'y nagising na yung lalaking katabi ko, bahagya pa siyang umunat, at nang mapatingin siya sa 'kin...


Siya: ikaw na ba yung transferee??

Ako: ah.. oo.


Medyo nagulat ako at nagtaka nang hagisan niya ko ng notebook na blangko.


Ako: a-ano 'to??

Siya: hindi ka naman siguro bulag para hindi mo makitang notebook yan.

Ako: (Yerin.. yung pasensya mo, habaan mo! Unang araw mo palang kaya hinay ka lang. hmf?) ah.. alam kong notebook 'to, pero anong gagawin ko dito??

Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon