Chapter 6: "Just One Day"

2.9K 133 5
                                    


~Eunha's POV~



Paalis na ko ng bahay para pumasok sa school nang makita ko si Jungkook sa labas ng bahay namin.


Ako: oh Jungkook? Anong ginagawa mo dito?

Jungkook: ah.. uhm.. naisipan ko na kasing dumaan dito, tutal naman.. iisa lang tayo ng lalakaran. Uhm.. baka kasi.. pwedeng... sabay na tayo?? (sabay himas sa batok)

Ako: ah... s-sige. Tara? (pangiti)


Sabay na kaming naglakad papuntang school ni Jungkook.


(Mabait naman si Jungkook, gentleman, at gwapo din. Sa tingin ko nga, siya yung pinaka gwapo sa grupo nila eh. Unang beses ko palang siyang makasama, which is noong araw na nagbreak kami ng boyfriend ko at nung araw ding yun na dinamayan niya ko, naging komportable agad ako sa kanya. Sa tingin ko, hindi naman siya mahirap mahalin, kaya hindi na ko magtataka kapag na-fall ako sa kanya.)



~Yuju's POV~



Simula nung maging girlfriend ako ni Jimin ay katakot-takot na sakit sa ulo ang nararanasan ko.


(Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa din matanggap yung thought na boyfriend ko na yung playboy na yun!)


Panay lang ang iwas ko sa kanya, pero hindi din talaga siya patinag at panay din ang habol niya sa 'kin. Alam ng buong school na KAMI NA ni Jimin, dahil siya mismo ang nagpakalat nun.


(Flashback)


Dinala ako ni Jimin sa school ground.


Ako: Ano na naman ba 'to Jimin?? anong balak mo at dinala mo ko dito??

Jimin: basta.. wag kang aalis dito okay?


Bahagyang napakunot ang noo ko nang makita ko siyang pumunta siya sa stage at tumayo sa gitna.


Ako: Hoy Park Jimin! Ano sa tingin mo ang gagawin mo ha!?


Hindi niya pinansin yung tanong ko.


Jimin: HOOYY! KAYONG LAHAAAT!! MAKINIG KAYO!!! (Nanlaki ang mga mata ko nang makuha niya ang atensyon ng mga estudyanteng nandun) GUSTO KONG IPAALAM SA INYONG LAHAT NA GIRLFRIEND KO NA SI CHOI YUNA! AT MAHAL NA MAHAL KO SIYA! KAYA KUNG SINO MAN ANG NAGBABALAK NA LIGAWAN PA SIYA.. WAG NIYO NG BALAKIN! DAHIL AKIN NA SIYA! INTINDI NIYO!??? AKIN LANG SIYA!!


Hindi ko na kinakaya ang mga pinagsasasabi niya sa mga tao kaya naman pinuntahan ko na siya at hinatak paalis. Nang makaalis na kami sa school ground...


Ako: alam mo, ang lakas din ng trip mo noh?

Jimin: bakit naman??

Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon