Chapter 14: "Suspicions"

2.1K 113 10
                                    


~Taehyung's POV~



(Sa School)


Saktong kadarating ko lang sa classroom nang maabutan kong magkausap sa upuan sina Yerin at Sin Bi. Sa pag-upo ko sa pwesto ko ay tila narinig ko ang pinag-uusapan nila.


Yerin: hindi pwedeng mawala yun!

Sin Bi: san mo ba kasi nawala?

Yerin: Hindi ko nga alam.

Sin Bi: suot mo pa yun kahapon diba?

Yerin: oo, hindi ko naman kasi namalayan agad eh. Nung gabi nalang bago ako matulog tsaka ko lang napansin na hindi ko na pala siya suot.

Sin Bi: haiyst.. ganun ba yun kahalaga sayo??

Yerin: bigay pa kasi sa 'kin yun ng mama ko eh. (palungkot)


(Ano kayang pinag-uusapan nila?)


Hindi na ko nakatiis sa curiousity kaya nakisali na ko sa usapan nila.


Ako: ano bang problema?

Sin Bi: ito kasing si Yerin eh, nawala daw yung bracelet niya.

Ako: (bracelet??) Bracelet?? Anong klaseng bracelet ba?

Yerin: manipis lang siya na silver at plain lang din yung design niya.

Ako: (plain at manipis na silver?? Teka, yun yung napulot ko kahapon ah? ibigsabihin.. kay Yerin yung bracelet na yun?? pero pano yun napunta sa lugar na yun?? Nagkataon lang ba?... o.. POSIBLENG konektado siya dun sa babaeng nakamaskara??)

Yerin: Kahit naman simpleng bracelet lang yun.. napaka importante nun sa 'kin dahil yun nalang ang bukod tanging ala-alang naiwan sa 'kin ng mama ko.


Hindi ko malaman kung ibibigay ko ba sa kanya yung napulot kong bracelet. Bigla kasing lumakas yung kutob ko na maaaring yung bracelet na yun ang maging susi ko para makilala ko kung sino talaga yung babaeng nakamaskara.


(pasensiya na Yerin)


Dismissal... Hindi ulit ako nagpasundo sa driver ko, dahil masginusto kong maglakad pauwi para makapag-isip-isip, pero sa paglalakad ko ay may nakabanggaan akong tatlong lasing. Abala ako sa pag-iisip kaya wala akong pakialam sa kanila, pero napatigil ako nang isa sa kanila ang tumawag ng pansin ko.


Lalaki 1: Hoy! bulag ka ba!?


Lumingon ako sa kanila, at sa paglingon ko ay lumapit naman sila sa 'kin.


Lalaki 2: Bata, hindi mo ba nakitang may kasalubong ka, ha!?

Ako: Hindi. (poker face)

Lalaki 3: humingi ka ng tawad sa kanya.

Ako: bakit ko naman gagawin yun? hindi ko naman kasalanan kung pahara-hara kayo sa DAANAN KO eh.

Lalaki 3: Ang angas mo ah!

Lalaki 1: malamang hindi ka natuturuan ng leksyon ng mga magulang mo.


Agad nila akong nahawakan sa tig-isang braso ko at dinala nila ako sa isang tagong lugar. Sinubukan nila akong pagtulungang tatlo na bugbugin, pero nanlaban ako. Hindi ko naman inasahan na ang isa sa kanila ay may dalang matalim na bagay, kaya nang ilabas yun nung isang lalaki ay dun ako medyo naalarma.

Muli akong sinubukang atakehin nung lalaki gamit yung dala niyang patalim, pero laking gulat ko nang muling sumulpot yung babaeng nakamaskara at siya ang humarap dun sa lasing na may hawak na patalim, habang ako naman ang humarap dun sa dalwa pa. Matapos naming mapaalis yung mga lasing, aktong aalis na naman agad yung babaeng nakamaskara nang agad ko siyang napigilan.


Ako: teka lang!


Tumigil naman yung babaeng nakamaskara pero hindi siya lumingon sa 'kin.


Ako: may gusto lang sana akong isoli sayo.


Dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin kaya dahan-dahan din akong lumakad palapit sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya...


Ako: uhm.. sayo ba 'to?? (sabay labas ko nung bracelet na napulot ko)


Hindi agad siya sumagot, pero agad kong nahalata sa mga mata niya ang tila pagkagulat nang makita niya yung bracelet na hawak ko. Inextend ko yung kamay ko para iabot sa kanya yung bracelet. Nag-hesitate pa siyang kunin yun nung una pero hindi nagtagal ay tinanggap din niya ito.


Babae: salamat.


Agad na din siyang umalis pagkakuha dun sa bracelet. Hindi ko na rin naman siya napigilan kaya hinayaan ko na. Kahit medyo malabo ay tila parang nabigyan na ng kasagutan yun tanong ko sa pag-alis nung babaeng nakamaskara.


Kinabukasan... 


Pagkakita ko kay Yerin sa school ay agad kong napansin yung suot niyang bracelet.


Ako: nakita mo na pala yung bracelet mo?

Yerin: huh? ah.. Oo. Sa bahay ko lang din pala siya nawala. Buti na nga lang at nakita ng papa ko.

Ako: ah ganun ba?


Patay malisya lang ako pero sa puntong yun ay alam ko ng....




SI YERIN YUNG BABAENG NAKAMASKARA.


(Bago ko pa man ibigay yung bracelet dun sa babaeng nakamaskara ay naisipan kong lagyan yun ng palatandaan na akong lang ang makakapansin, at yung palatandaang yun ay nasa bracelet na suot ni Yerin)


Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon