~Yerin's POV~
Back to normal kami ni Taehyung na parang walang nangyari. Napagkasunduan kasi naming dalwa na kalimutan nalang yung nangyari para hindi na mag-alala pa yung mga tao sa paligid namin.
(P.E. Class)
4 sections kaming lahat na nasa gym para sa P.E. class namin, at lahat kami ay iisa lang ng lesson. Nang makumpleto ang apat na section ay masaya kaming nagkita-kitang lahat ng grupo naming Gfriend at BTS, at dahil pinag-isa nalang nila ang apat na section, kaya sa pagfoform namin ng bilog para sa lesson ay magkakatabi kaming magkakaibigan habang nakapwesto naman sa tapat namin ang BTS. Sa pagsisimula ng klase namin ay dalwang instructor ang nagtulong para turuan kaming apat na sections.
Instructor 1: okay students! Makinig kayong lahat! Medyo kakaiba ang lesson na pag-aaralan natin ngayon compared sa past lessons natin that's all about sports. Posible ding hindi ito maging madali para sa mga beginners na tulad niyo.
Instructor 2: we will be teaching you some self-defense techniques that you can use in times of emergency or danger.
Matapos nilang malaman yung lesson na pag-aaralan namin ay nagkanya-kanya sila ng reaction.
Umji: ano daw? Self-defense daw?
Sin Bi: medyo interesting. Matagal ko ng gustong matuto ng simpleng self-defense eh.
Eunha: tama, at paniguradong magiging useful yun sa panahon ngayon.
Nang mapatingin naman ako kay Taehyung ay nakita kong nakatingin din siya sa 'kin at tila nagkakabasahan kami ng isip.
(Malamang iniisip ni Taehyung na sisiw nalang sa 'kin ang lesson namin, dahil may karanasan na ko pagdating sa pakikipaglaban)
Instructor 1: okay! Tatawag ako ng tig-dadalwang representatives sa bawat section para mag-demonstrate dito sa gitna.
(okay lang naman kung ako ang matatawag, pero.. masmabuti na sigurong wag nalang sana. AYOKONG MADISCOVER!)
Tinawag ng instructor sina J-Hope at Jungkook para sa section 4-D, sina Sojung at Jin sa section 4-C, sina Yuju at Jimin para sa section 4-B, at lastly, ako at si Taehyung para sa section 4-A.
~Author's POV~
Unang pinagdemonstrate ng instructor nila sina Jungkook at J-Hope na nagdulot sa lahat ng katatawanan. Si Jungkook yung victim samantalang si J-Hope naman yung attacker niya. Nang sinimulan ng atakihin ni J-Hope si Jungkook ay agad itong nakaiwas, at dahil sa lumampas yung atake ni J-Hope kay Jungkook ay yun na yung naging chance ni Jungkook para atakihin naman si J-Hope. Ginawa niya yun sa pamamagitan ng pagsipa sa may pwetan nito dahilan para mapasubsob si J-Hope.
Sunod na nagdemonstrate sina Sojung at Jin. Si Sojung ang victim at si Jin ang attacker. Medyo mild lang yung ginawang kilos ni Jin para hindi niya masaktan si Sojung at ganun din naman si Sojung kay Jin.
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]
FanfictionLast year ni Yerin sa highschool at kung tutuusin ay pang-apat na beses na din niyang lumipat ng school, dahil sa mga nasangkutan niyang gulo sa mga past schools niya. Hindi naman talaga siya pala away, sadyang lapitin lang talaga siya ng gulo. The...