~Yerin's POV~
Tatlong araw na ang lumipas mula nung kumalat sa school na anak ako ng gangster, kaya naman tatlong araw na din akong laging nag-iisa dahil mula din nun ay sinimulan na kong iwasan ng mga estudyante pati na rin ng mga kaibigan ko. Unti-unting naging ilag sa 'kin ang Gfriend, samantalang no comment naman ang BTS pero hindi na rin nila ako gaanong inaapproach dahil na rin sa mga girlfriends nila. Si Taehyung naman, isinama siya ng daddy niya sa business trip nito, kaya ilang araw din siyang wala.
(Hindi ako komportableng mag-isa lalo na kung panay ang bulungan ng lahat na aware naman akong ako ang topic nila, pero wala akong magawa kundi ang magpasensiya at tiisin ang pagiging loner ko)
"totoo bang anak siya ng gangster?"
"kung ganun, edi gangster din siya??"
"naku! nakakatakot naman pala siya! Baka mamaya bigla nalang niya tayong ipakidnap!?" (hindi ko ugali yun!)
Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga estudyante sa canteen. Masyado silang maingay kahit pa nagbubulungan sila, kaya naman nawalan ako ng gana sa pagkain at naisipan kong umalis na para ilayo ang sarili ko sa mapanghusgang kapaligiran. Pumunta ako sa rooftop para magpahangin at mapag-isa na din. Nakatingin lang ako sa kalangitan nang hindi ko namalayang may biglang tumulong luha galing sa mga mata ko. Tumungo ako at pinahid ko yung luhang pumatak, pero agad ng nagtuloy-tuloy ang pagpatak nito hanggang sa nakita ko nalang ang sarili kong umiiyak.
(Ganun na ba kasama ang tingin nila sa 'kin?? ang kikitid ng utak nila! Wala naman akong pakialam kung iwasan ako ng lahat ng estudyante eh. Ang lungkot lang kasi.. pati yung mga kaibigan ko.. iniwasan din ako. Siguro nga, nakatadhana na 'to sa 'kin.. na iwasan at katakutan ng lahat, dahil lang sa anak ako ng gangster.)
~Sojung's POV~
Ilang araw ko ng napapansin na parang muling bumalik yung cold behavior ni Jin. Sa tuwing magkasama kami, madalas ko siyang mahuling tulala na parang may malalim na iniisip. Ilang beses ko siyang sinubukang tanungin pero ang lagi niyang sagot sa 'kin ay "wala". Minsang hindi ko kasama si Jin dahil nagpaalam siya sa 'kin na may pupuntahan DAW siya. Pauwi na sana ako pero naisip kong pumunta ng city dahil may naisipan akong bilhin. Solo akong naglalakad nang mapadaan ako sa paborito naming coffee shop.
(Madalas kaming magdate ni Jin sa coffee shop na yun, dahil paborito niya ang mga pagkain dito, kaya naman naging paborito ko na din yung lugar.)
Agad akong napahinto sa paglalakad nang hindi ko inaasahang makikita ko si Jin sa loob ng coffee shop na may kasamang babae.
(Sino yung kasama niya? sigurado akong hindi siya si Nana.)
Nagulat nalang ako nang bigla niya 'tong bigyan ng necklace at pagkatapos ay sunod silang nagyakap na dalwa. Sa puntong yun ay muli kong naramdaman yung naramdaman ko nung makita ko silang magkasama ni Nana na noo'y hindi ko pa alam na kapatid niya pala, na napagkamalan kong girlfriend niya. Bumigat na naman ng todo yung dibdib ko, at may parte sa puso ko na tila kumikirot.
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]
FanfictionLast year ni Yerin sa highschool at kung tutuusin ay pang-apat na beses na din niyang lumipat ng school, dahil sa mga nasangkutan niyang gulo sa mga past schools niya. Hindi naman talaga siya pala away, sadyang lapitin lang talaga siya ng gulo. The...