~Yerin's POV~
Nandito kaming lahat sa libing niya ngayon. Lahat kami na mga kaibigan niya. Masakit pero kailangan kong tanggapin na wala na siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko lubos maisip.. ang bilis ng mga pangyayari.
(Bakit kailangan sa ganitong paraan matapos ang lahat?)
Bago nila tuluyang tabunan yung katawan niya ay isa-isa muna kaming pumunta para magbigay ng last message sa kanya.
Rap Mon: bro, hindi ka namin malilimutan.
J-Hope: sana maging masaya ka kung nasan ka man ngayon.
Jimin: wala ng sasalubong ng yakap sa 'kin kapag pumunta ako sa bahay niyo.
Suga: wala na kong laruan kapag naiinip ako.
Jin: wala ng mag-iingay.
Jungkook: wala na ang bestfriend ko.
Ako: Tae-Tae.. Sa maikling panahon na nagkasama tayo, nagpapasalamat ako dahil kahit papano ay nagkaron tayo ng magandang ala-ala kasama ang isa't-isa. Hindi ka man naging mabait sa 'kin nung una, pero naging maamo ka din nung tumagal-tagal na. Salamat din sa pagiging malambing at masunurin mo. At sorry kung hindi tayo masyadong nakapagbonding dahil sa dalang kong pumunta sa bahay niyo. Hindi ka namin malilimutan.
Pagkatapos nun ay tuluyan na nilang tinabunan yung katawan niya.
(Kung hindi niyo naitatanong... Si Tae-Tae ay ang alagang aso ni Taehyung. Namatay siya dahil nasagasan siya. Sobrang kawawa nga eh, hindi lang siya basta alagang aso, kundi parang bestfriend na din ang turing sa kanya ni Taehyung, dahil mula pagkabata palang ni Taehyung ay magkasama na sila, kaya naman nung malaman ni Taehyung ang nangyari sa bestfriend niya ay pinakiusapan niya kami na gawan si Tae-Tae ng marangal na libing.)
Matapos ng libing...
Jimin: oh, pano ba yan? nailibing na natin siya ng maayos? Edi pwede na tayong pumunta kay V sa hospital? Miss na miss ko na din yung mokong na yun eh.
Rap Mon: sige, pero bago tayo dumeretso sa hospital, bumili muna tayo ng pwedeng dalhin dun. Nakakahiya din naman kasi kung bibisita tayo sa kanya na bare-handed.
Ako: tama si Rap Mon. Punta muna tayo ng mall.
Nagsisang-ayon naman silang lahat.
(2 days kasi matapos nung insidente ay ngayon nalang ulit mabibisita ng BTS si Taehyung sa ospital, dahil sa busy na rin sa school.)
Matapos naming mamili ay agad na din kaming dumeretso ni Rap Mon sa hospital. Humiwalay kasi sa 'min yung lima, at sinabing susunod nalang daw sila dahil susunduin pa daw nila yung mga girlfriends nila.
(Ang sweet diba?)
Nang nasa hospital na kami, pagkapasok namin sa kwarto ni V ay naabutan namin siyang nakaupo sa kama niya habang naglalaro sa cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]
FanfictionLast year ni Yerin sa highschool at kung tutuusin ay pang-apat na beses na din niyang lumipat ng school, dahil sa mga nasangkutan niyang gulo sa mga past schools niya. Hindi naman talaga siya pala away, sadyang lapitin lang talaga siya ng gulo. The...