Chapter 12: "Concern"

2.7K 125 10
                                    


~Yerin's POV~



(Sa school)


Papunta ako ng library nang mapadaan ako sa Principal's office. medyo nakaangat yung pinto kaya rinig na rinig kong may nag-uusap sa loob. Hindi ko naman talaga ugali ang makiusisa sa usapan ng iba, pero nang marinig ko ang boses ni Taehyung ay tila nagkusa yung mga paa ko palapit sa pintuan.

Nasilip kong tila nagkakaroon ng konting komprontasyon si Taehyung at ang school's Principal. Nang makita kong biglang magwalk-out si Taehyung palabas ay agad akong nagtago, kaya hindi niya ko nakita sa paglabas niya. Nang tuluyan siyang makaalis ay agad na din akong lumabas.


(Ano kayang problema? ang intense nung naging usapan nila ah?)


Nagsimula na ang klase sa 3rd subject namin, pero walang Taehyung ang nagpakita ng mga oras na yun.


(ganun ba kalaki yung problema na kinakaharap niya ngayon at nagawa niyang lumiban ng klase??)


(Dismissal)


Kasama ko ang grupo ko palabas ng campus nang bigla akong mapatingin sa langit at habang nakatanaw ako sa ulap ay agad may nahagip ang paningin ko na taong nakatayo sa roof top ng school, at nagulat ako nang makilala ko ang lalaki na si Taehyung.


(si Taehyung ba yun?? mukhang magpapakamatay ata siya!)


Agad kong iniwan sina Sin Bi at tumakbo ako papunta sa roof top.


(Sa roof top)


Ako: Taehyung sandali lang!

Taehyung: (lumingon siya sa 'kin)

Ako: maghulos-dili ka! Hindi ito ang solusiyon sa problema mo!

Taehyung: huh? (pataka)

Ako: isipin mo nalang yung mga taong nagmamahal sayo! Yung mga kaibigan mo!? Hindi malulutas ng gagawin mo ang problema mo!!

Taehyung: ano bang sinasabi mo diyan Yerin!?

Ako: huh? Ah.. uhm.. di-diba magpapakamatay ka??

Taehyung: magpapakamatay?? Ako??

Ako: bakit, hindi ba??

Taehyung: hindi. Nagpapahangin lang ako. (bumaba siya sa kinatatayuan niya at lumapit siya sa 'kin) at sino namang may sabi sayong magpapakamatay ako??

Ako: ah... wala. Nagulat kasi ako nung makita kitang nakatayo dun eh, akala ko magpapakamatay ka?

Taehyung: at sa tingin mo, bakit ko naman gagawin yun??

Ako: dahil sa problema?

Taehyung: oo may problema ako, pero hindi ako magpapakamatay noh! sayang kaya yung kagwapuhan ko kung mababasag lang yung mukha ko.

Ako: (naipagmayabang pa talaga niya yun ha? Haiyst.. pero buti nalang at mali yung akala ko)

Taehyung: Teka, bakit parang concern ka? Ayaw mo din akong mamatay noh??

Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon