Chapter 13: "Encounter"

2.5K 118 8
                                    


~Taehyung's POV~



Kasama ko ang barkada at katatapos lang naming maglaro sa arcade. Nagkanya-kanya na kami ng alis pagkalabas namin ng arcade, ngunit sa paglalakad ko pasakay ng kotse ko ay may isang itim na kotse ang tumigil sa tapat ko. May dalwang di kilalang lalaki ang bumaba dito, at sapilitan akong pinasakay sa sasakyan nila.


Ako: sino kayo? San niyo ko dadalhin?!


Sinubukan kong manlaban, pero agad akong nawalan ng malay nang paluin ako ng matigas na bagay sa ulo.



~Author's POV~



Hindi inaasahan ni Jung Minseok na muling magpaparamdam ang kanyang mga kaaway, kaya inatasan niya ang anak niyang si Yerin na pumunta dun sa kuta ng mga kalaban nila para siya ang umareglo.

Sa tuwing uutusan si Yerin ng kanyang ama na mag-areglo ay hindi siya basta umaalis nang hindi nagsusuot ng black na face mask, dahil naniniwala siyang bilang anak ng leader ng mga gangster ay kinakailangan niyang protektahan ang tunay niyang pagkatao.

Nang makarating na si Yerin sa kuta kasama ang mga inatasang tauhan ng kanyang ama na sumama sa kanya.


Yerin: Nandito na kami!


Agad nagsilingunan sa kanila ang kabilang grupo pati na rin yung lalaking tumatayong lider ng mga 'to.


Lalaki 1: oh? Nasan ang lider niyo? Bakit hindi siya ang pumunta??

Yerin: masyado siyang abala at wala siyang panahon para harapin ka, kaya ako ang pinapunta niya.

Lalaki 1: ah di bale, buti naman at dumating ka, dahil kung nahuli ka pa ng isang oras, malamang, hindi mo na maaabutang humihinga ang bihag ko.


Nanlaki ang mga mata ni Yerin nang makita niya si Taehyung na siyang tinutukoy na bihag ng kalabang grupo.


Yerin: (Taehyung?? Bakit siya nandito??)

Taehyung: pakawalan niyo nga ako! Ano bang atraso ko sa inyo?! Bakit niyo ko dinala dito!?

Lalaki 1: manahimik ka dyan! (at sinikmuraan ng isa sa tauhan niya si Taehyung)


Agad naikuyom ni Yerin ang mga kamay niya sa inis nang makita niyang gawin nila yun kay Taehyung.


Yerin: ganun ka na ba kadesperadong makuha ang gusto mo, kaya pati inusenteng estudyante ay idadamay mo!? (habang masama ang tingin niya dun sa lalaki)

Lalaki 1: *smirk* madali naman akong kausap eh, kung ibibigay niyo lang yung gusto ko ay hindi na kailangan pang malagay sa alanganin ang buhay ng batang 'to. (turo niya kay Taehyung)

Yerin: subukan niyo lang saktan ulit yang lalaking yan, sisiguraduhin kong wala akong ititira sa inyo. (pabanta)

Lalaki 1: kung ganun, mukhang hindi ko rin pala makukuha yung gusto ko kaya maigi pang patayin ko nalang 'to! (agad siyang kumuha ng espada)

Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon