[A/N: This video is not mine. Credits to the owner (^^,)]
J-HOPE x SIN BI
Ang magbestfriend mula pagkabata na nangakong hindi magkakagusto sa isa't-isa. Ngunit ang pangakong yun ay napako mula nung hindi napigilan ni J-Hope ang sarili niya na magkagusto sa bestfriend niya. Sa takot na masira ang kanilang pinagsamahan at mawala sa kanya si Sin Bi ay pilit niyang itinago ang tunay niyang nararamdaman ng halos dalwang taon. Nang dumating naman yung tamang pagkakataon at nagkaron ng sapat na lakas ng loob si J-Hope para magtapat ng tunay niyang nararamdaman ay yun na din yung naging dahilan para mapaamin din niya si Sin Bi sa nararamdaman niya para sa kanya.
JIN x SOJUNG
Matagal ng may gusto si Sojung kay Jin, ngunit hindi niya ito magawang lapitan o kausapin nung una, dahil sa pagiging sobrang snob nito kaya hanggang tingin lang siya dito. Hanggang sa pinaglapit silang dalwa nang dahil sa project. Sa dalas nilang magkasama dahil sa paggawa nila ng project ay nakilala nila ang isa't-isa, at unti-unti din silang nagkapalagayan ng loob. Hanggang sa dumating silang dalwa sa puntong nakaramdam na sila ng selos. Selos na naging basehan ni Jin para marealize niya na nahulog na din siya kay Sojung.
SUGA x UMJI
Classmates pero strangers kung magturingan nung una hanggang sa maging saviour ni Umji si Suga. Agad silang naging malapit at nagkapalagayan ng loob, at hindi nagtagal ay tuluyang nahulog ang loob ni Suga kay Umji dahilan para magkaaminan din sila ng nararamdaman nila sa isa't-isa.
JIMIN x YUJU
"Playboy versus Man Hater". Walang araw na hindi sinungitan ni Ms. MH si Mr. Playboy, pero ang kasungitan ni Ms. MH ay hindi naging hadlang para lalong ma-fall sa kanya si Mr. Playboy. Kahit may pagkapasaway man, sa huli ay nanaig pa din ang sincerity ni Mr. Playboy at dumating din yung oras na na-fall na din si Ms. MH sa kanya.
JUNGKOOK x EUNHA
Matagal-tagal ding naging secret admirer ni Eunha si Jungkook, dahil na rin sa may pagkatorpe si Jungkook kaya idinaan nalang muna niya sa mga sulat at maliliit na regalo si Eunha, pero nung makakuha siya ng sapat na lakas ng loob at tamang pagkakataon ay hindi na niya pinalampas pa yun at agad na din siyang nagtapat ng nararamdaman niya kay Eunha tulad ng matagal na niyang gustong gawin, at hindi naman siya nabigo na makuha ang matamis na oo ng dalaga.
TAEHYUNG x YERIN
"The Bad Boy and The Gangster's Princess". Nagsimula ng parang aso't-pusa, pero sa kabila ng pagbabangayan nila sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi nila inaasahan na madedevelop sila sa isa't-isa lalo na nung magpanggap silang may relasiyon alang-ala sa kapakanan ni Taehyung. Ang pagpapanggap nila ay nauwi sa totohanan, at di alintana sa kung ano ang tunay na pagkatao ni Yerin ay nahanap nila ang tunay na kaligayahan sa piling ng isa't-isa.
~End~
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]
FanfictionLast year ni Yerin sa highschool at kung tutuusin ay pang-apat na beses na din niyang lumipat ng school, dahil sa mga nasangkutan niyang gulo sa mga past schools niya. Hindi naman talaga siya pala away, sadyang lapitin lang talaga siya ng gulo. The...