Chapter 24: "Make it Happen"

2.2K 103 30
                                    


~Yerin's POV~



Sobra kong ikinagulat nang magdisisyon si Taehyung na harapin ang papa ko para hingin ang basbas nito sa relasiyon naming dalwa, nang sa gayun ay maging ligal na yung relasiyon namin sa both sides ng pamilya namin.


Ako: ANO! gusto mong pumunta sa bahay at kausapin ng personal ang papa ko?! nahihibang ka na ba Kim Taehyung?! Gusto mo na ba talagang mamatay!?? (sa totoo lang hindi talaga ako pabor sa gusto niya)

Taehyung: ano ba kasing ikinakatakot mo?? Na baka barilin ako ng papa mo? o kaya naman ay ipa-salvage niya ko sa mga tauhan niyo? Ganun ba??

Ako: (90% posible! Kilala ko kasi si papa eh, hindi pa man din yung marunong magdalwang-isip kapag nakapagdisisyon) Posible niyang gawin yun! at kayang-kaya niyang gawin yun!

Taehyung: edi gawin niya! hindi ako natatakot!

Ako: (nanlaki naman bigla ang mata ko) KIM TAEHYUNG! hindi ako nagbibiro! Kaya niya talagang gawin yun!

Taehyung: sa tingin mo ba, nagbibiro din ako?? Yerin nakahanda ako, nakahanda ako sa lahat, mapatunayan ko lang kung gaano ako kaseryoso sa pagmamahal ko sayo.

Ako: ramdam ko na naman yun. Na seryoso ka sa 'kin, pero Taehyung.. hindi mo kailangang magbuwis ng buhay para lang mapatunayan mo yun!

Taehyung: ah basta! Bukas, pupunta ako sa inyo at haharapin ko ang papa mo. Hanggang kelan mo naman pati balak itago sa papa mo yung tungkol sa 'ting dalwa??


Hindi ako nakasagot sa kanya, dahil aminado akong may punto siya.



~Taehyung's POV~



Nasa harapan na ko ng pintuan ng bahay nina Yerin. 


Talagang pinaghandaan ko ang araw na 'to dahil hindi ako pwedeng magkamali, dahil buhay ko ang nakasalalay dito)


Hindi pa nga sana ako papapasukin nung bantay nila sa gate, pero buti nalang at agad nasabihan ni Yerin yung bantay na dadating ako.

Bumwelo muna ako at sandaling kinalma ang sarili ko, dahil aaminin kong kinakabahan ako sa mga oras na ito.


(Nagmamatapang ka Kim Taehyung eh, kaya panindigan mo yan!)


Aktong pipindutin ko na yung doorbell. Hindi pa man nakakalapat yung daliri ko sa doorbell ay bigla ng nagbukas yung pintuan, at tila hindi ako makapaniwala nang makita ko na ang nagbukas ng pinto ay ang mismong papa ni Yerin.

Agad naman akong napalunok nang magtagpo ang mga mata namin ng papa ni Yerin. Ngayon ko lang nakita ng personal ang papa ni Yerin, at hindi ko akalaing hindi biro ang takot na nararamdaman ko habang magkatitigan kami.


Mr. Jung: ikaw ba si Kim Taehyung?? (paseryoso)

Ako: a-ako nga po.

Mr. Jung: pasok.


Agad akong pumasok pagkasabi niya.

Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon