~Sojung's POV~
Napakalaki ng naitulong nung naging research project namin sa 'ming dalwa ni Jin, dahil sa improvement na naidulot ng pagiging magpartner namin sa project na yun, at yun din ang nagbigay sa 'kin ng chance para makilala at mapalapit ako kay Jin. Tapos na yung project namin kaya naman medyo ipinagtaka ko nang akitin ako ni Jin na lumabas.
(Nung kasagsagan ng project namin, lumalabas lang naman kaming dalwa dahil kailangan, pero sa pagkakataong 'to ay inakit niya kong lumabas hindi para magresearch kundi para maghang-out!)
(Sa Cafe)
Sa paborito niyang Cafe ang usapan naming meeting place. Medyo excited ako kaya inagahan ko. Pagdating ko sa Cafe ay nakita kong wala pa siya dun.
(Masyado ata akong napaaga?)
Agad ako humanap ng magandang pwesto at dun ako umupo sa table na kalapit ng salamin ng store. 5 minutes before the time, wala pa siya.
(okay lang, parating na siguro yun)
15 minutes after the time ng usapan namin ay hindi pa din siya dumadating.
(okay lang, medyo traffic siguro kaya late siya?)
1 hour na ang lumipas ay wala pa ring Jin ang dumadating.
(darating pa kaya siya? Baka naligaw na yun? pero imposible, favorite cafe niya 'to kaya hindi siya maliligaw papunta dito. Baka naman kung napano na yun? naku, wag naman sana!)
2:00 ng hapon ang usapan namin pero 4:00 na sa relo ko. Nang biglang mag-ring yung phone ko ay agad ko yung sinagot nang makita ko ang pangalan ni Jin sa screen.
(Phone Conversation)
Ako: hello? Nasan ka na??
Jin: uhm.. Sojung pasensiya na ah? Hindi na ko makakapunta eh. Nagka-emergency kasi. Next time nalang tayo, okay?
Ako: huh? ah.. ganun ba?? si-sige.
Jin: sorry talaga ha? Bye.
(End of Conversation)
Medyo disappointed ako pagkatapos naming mag-usap sa phone.
(Naghintay pa ko ng dalwang oras, hindi naman pala siya darating *sad face*)
Tumayo na ko sa kinauupuan ko at lumabas na ko ng Cafe. Paalis na sana ako sa lugar na yun nang bigla kong mapansin si Jin sa kabilang side ng kalye na naglalakad habang may kasamang babae. Pumasok sila sa kabilang coffee shop na katapat lang nung Cafe na nilabasan ko. Sinubukan kong pumunta sa pinasukan nilang shop, at mula sa labas ay palihim ko silang pinagmasdan. Maganda yung kasamang babae ni Jin, hindi ko siya kilala kaya malamang hindi siya taga school. Habang pinagmamasdan ko silang medyo sweet at masayang nag-uusap ay tila may kirot akong naramdaman sa dibdib ko at kasunod nun ay ang biglang pagbigat ng pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]
FanfictionLast year ni Yerin sa highschool at kung tutuusin ay pang-apat na beses na din niyang lumipat ng school, dahil sa mga nasangkutan niyang gulo sa mga past schools niya. Hindi naman talaga siya pala away, sadyang lapitin lang talaga siya ng gulo. The...