From: Geriko Acosta
Rolene si Travis 'to. You're not replying kaya pinalitan ko name at dp ko.
It was Sean Travis Sarmiento who added me on facebook. I sent him an angry GIF and he just laughed. Agad naman niyang pinalitan ang pangalan at profile picture sa facebook
Tinignan ko ang wall niya at nakita ang cover photo na picture nilang magkakaibigan. Wala si Geriko at Mikkel. Siguro hindi pa sila nagkakakilala nito.
Puro mga kabastusan at memes ang shared posts niya kaya inaccept ko nalang ang friend request saka pumunta naman sa twitter, dahil finollow niya din ako dun. Hindi naman ako gumagamit ng twitter, ginawan lang ako ni Liv para updated daw sa mga nararamdaman nila if ever di sila nagsasalita dahil mas nagsasabi daw sila sa twitter ng problema.
Tinignan ko ang tweets niya at naghanap ng tungkol kay Geriko. Wala naman akong nakita sa tweets niya except sa emoji na Statue of Liberty. Nagcomment ang mga kaibigan niya pero mukhang wala din si Geriko.
Sa instagram naman, finollow niya din ako. Marami silang pictures na magkakaibigan at nakita ko ang picture nila sa La Union, background nila ang isang napakagandang mansyon na kulay puti habang naliligo sila sa pool. Bahay siguro 'to ni Geriko. Ang yaman, mukang resort ang bahay niya. Parang tatalunin ang Thunderbird Resorts and Casinos ng San Fernando.
Zinoom ko mukha ni Geriko kaya hindi nakaligtas ang abs niya sakin. San kaya ang gym niya? Parang gusto ko nadin magpafit. I giggled. Napatigil ako nang makita ang notif from Travis.
'inboxzoned hmph bala ka'
Chineck ko ang instagram ko wala naman siyang ibang message, kaya tinignan ko sa twitter.
Nagulat ako nang makita ang mga chat niya. Akala ko LSM sa sobrang haba, sunod sunod ang mga chat at putol putol ang pagkakatype niya. May mga ilan pa siyang selfie na sinend, wala naman relate sa sinasabi niya.
Pinagtiyagaan kong basahin lahat ng message. May sinend din siyang picture na kakaiba. Schedule yon ni Geriko at sinabi din niya ang mga tinatambayan nito at madalas puntahan. Tinignan ko ang oras, 1pm ngayon at vacant niya. Sabi ni Travis, tuwing vacant niya ay gumagawa sila ng research ng mga blockmates niya sa Figaro. Yaman talaga.Parang isang lingo ko ng kakainin yung mga price ng kape don.
Agad akong nag-ayos bago dumeretso sa Figaro. Pero palabas palang ako ay nakita ko na siya sa malayuan. Shet. After 6 months. Ngayon lang uli sumikip nanaman ang puso ko. I thanked Travis in my head as I watch him enter the school clinic. May sakit kaya siya?
Inabangan ko siyang lumabas sa malayuan nang tapikin ako ni Liv. Nagbeso siya sakin saka tumingin sa clinic.
"Mukha bang PBB house yang clinic at kung maka abang ka dyan parang may na-evict kang kamag-anak." biro niya.
Niyaya niya ako na kumain sa labas pero sabi ko may imemeet ako na friend. Paalis na sana siya pero niyakap ko siya.
"Salamat Liberty! I love you talaga." Nagtataka niya akong tinignan saka umalis na ng tuluyan.
Alam kong sinabihan niya si Travis na imessage ako, kahit na sinabi niya kagabi na ayaw niya. I smiled and hid sa fountain nang makita ko si Geriko na lumabas ng clinic.
May hawak siyang papers, naka semi formal attire at wala manlang accessories sa katawan, di mo akalain na sobrang yaman. Di tulad ni Rhett na kulang nalang magmascot siya ng Lacoste at Nike sa pananamit niya.
Tama nga si Travis, sa Figaro siya dumeretso. Nasa labas lang sila ng mga kaibigan niya na may kanya kanyang macbook. Inayos ko ang buhok ko bago naglakad papunta.