"Deans lister, tapos may jowang SEA,"
Nagtagal lang ang tingin ko sa bulletin board ng department namin. Hindi makapaniwala na magiging deans list after chilling the entire semester. Mas nag-aral naman ako ng mabuti nang first sem, pero hindi umabot ang average ko sa deans list. At ngayon na halos titigan ko lang ang picture ni Geriko tuwing nagrereview, aba chamba pa nga. Top 16 overall. Unbelievable!
"Hindi nga SEA, tsaka hindi ko yon jowa."
Nilabas ko ang cellphone ko para kuhanan ng litrato ang pangalan ko sa listahan. Ipapakita ko lang kila mama, para mawala ang guilt na nararamdaman ko these past few days. Inaamin ko na nagiging mapusok ako, nakakalimutan ko yung mga bawal. Pero magandang timing ang grades ko ngayon, dahil sa wakas may maganda din akong magagawa para sakanila sa kabila ng mga patago kong pagsuway.
"Ano palang course?"
Tinignan ko ang litrato at di maiwasan na mapangiti. sa tanong ni Jai. Masaya sa pakiramdam kapag nakikita mo ang pangalan sa mga listahan ng achievers. Lalo na kapag maiisip mo na katas iyon ng inspirasyon.
"Political science..."
Tinago ko ang phone sa bag saka hinawakan muli ang bulletin board. "Magma-mayor."
Nagtakip ng bibig si Jai, paulit ulit niyang tinapik ang braso ko habang kumukurap ng mabilis. Pero di iyon nagtagal. Sumimangot din siya pagkatapos.
"Baka naman chaka. May gwapo bang politiko?"
"Grabe ka naman maka-stereotype! Pag nakita mo yun baka habang buhay ka nang maging dugong bughaw."
Ipapakita ko sana ang picture niya sa phone ko pero umalis din siya para sumama sa nga kaibigan niya. Friendly talaga si Jai kahit kelan. "Bakla i-send mo nalang sa telegram!"
"Telegram?"
"Oo te! Homosapien ka ghorl? Telegram hindi alam."
Humarap siya sa mga kasama niya sa gate na nagtatawag. "Mga putangina niyo! Teka lang!"
"Sige na mamaya nalang, telegram mo ang mahiwagang talong mamaya!" sigaw niya habang naglalakad palayo.
Dumiretso din ako sa condo ni Liv para magbihis. Ngayon kasi ang graduation ng school namin. Si Geriko lang naman ang graduating kaya siya ang papanoodin namin.
"I already prepared your wardrobe." salubong sa akin ni Liv habang binebeso ako.
Nakita ko ang mga boys na naglalaro ng uno card sa sala, habang ang mga babae sigurado nag-aayos nanaman sa kwarto.
I saw a white elegant dress nicely placed in Liv's bed. Parang puti lahat ng mga damit niya, samantalang ako mas maraming itim na kulay sa mga suot dahil ayoko ng madudumihin.
"Ang OA yata. Parang ako yung ga-graduate Liv."
"Boba! Meet the family ka mamaya, gusto mo bang mata matahin ka ng pamilya Acosta?"
Napaisip ako sa sinabi ni France. Sigurado nga makikita ko ang pamilya ni Geriko mamaya. Ano kaya itsura ng mama niya?
"Wala naman meron sa amin ni Geriko kaya di naman siguro niya ako babayaran ng 1.1 million pesos mamaya para layuan anak niya."
"Wala pero meron? Is that kabobohan?"
"Well..."