"Ang init. Pwede buksan nalang natin yung bintana?"
Nanikip yung pakiramdam ko bigla kaya nagsimula akong magpaypay sa sarili gamit ang mga kamay. Nagtaka naman si Geriko, nataranta siyang tumingin sakin pero hindi niya binuksan ang bintana.
"It's cold kaya." kalmado niyang sabi.
"Baka temperature blind ako, parang color blind ganon." I replied and he laughed.
He was saying the term temperature blind ng paulit ulit like it was his first time hearing that. Well, first time ko din narinig yun sakin.
"Hindi, kahit sandali lang buksan natin. Gusto ko ng fresh air."
Grabe ngayon pa yata susumpong yung puso ko. Kung ano ano naman kasi pinagsasabi niya.
"Fine."
Binuksan niya na ang bintana saka in-off ang aircon. Nakakaginhawa talaga malanghap ang simoy ng hangin. Nahismasmasan din ako at nawala ang sikip sa dibdib.
"May asthma ka ba? The last time I saw you, ganyan ka din."
"Wala 'to. Kamuka mo kasi si Daniel Padilla kaya nagpapalpitate ako kapag andyan ka." biro ko, sana naman gets niya.
Kung gusto kong ipilit talaga ito, kailangan kong alagaan at balansehin ang nararamdaman ko. Kaya naisip ko na wag masyadong seryosohin. Ituturing ko lang siya na kaibigan. Para maging maganda ang kalalabasan, at hindi ako masyadong matalo sa dulo.
Hindi siya tumawa sa sinabi ko kaya nagsalita ulit ako. "Kamusta na kaya sila Travis? Ikaw kasi kung ano ano sinusuggest mo."
Dahil kalmado na ang puso ko, naisip kong ibalik na yung sinabi niya kanina dahil hindi ako nakahinga doon.
"Travis is a good man, kahit ganon yon. You have nothing to worry about."
May lahi kaya siya? Tama si France, papunta na ng French accent ang pagsasalita niya.
"Hmmm sabi mo gusto ko solohin si Rhett non. Ngayon ikaw pala gustong solohin ako." nakangiti akong tumingin sakanya.
"That was like a year ago. How could you remember the things we talked about?" nalilito niyang sabi
A year ago? 6 months lang. 6 months and 3 weeks ago. Kung alam niya lang, kahit siguro ten years after, maalala ko pa bawat detalye noong gabing iyon. Siguro kung hindi ko siya nakita non, ay wala na akong maaalala kahit pa kulay ng damit ko. Pero para siyang magic, kasi kahit kulay ng underwear ko non ay naalala ko pa. Light green ang kulay na may moon sa gitna.
"Yun lang nga naalala ko nung gabing yun." pagsisinungaling ko
Natahimik kami ng ilang saglit bago siya nagsalita ulit. In all fairness, madaldal na siya.
"I promised Travis na we'll play fortnite mamaya sa house. But I have some things to do kasi kaya when he asked me to take both of you home, I was relieved kasi I don't need to alibi sakanya."
"So sinabihan mo siya na ihatid nalang si Liv at ikaw na bahala sakin para hindi na siya dadaan sainyo?" he nodded to my question.
"Travis treat his friends like his girlfriends. Bihira din magkagusto iyon, and we're happy everytime he puts his attention to his girl para tahimik ang buhay namin." tuloy tuloy niyang sabi.
Binuksan niya ang radio at naghanap ng music. He chose the radio channel playing Maikee's Letter.
I was just nodding at him, and observing his actions. He looked at me sa rear view mirror and I looked away.