"I do not follow any of my acquaintances' girlfriend on social media..."
Umiwas siya ng tingin saka inubos ang wine na iniinom niya. Ingay mula sa mga kaibigan namin ang tanging nagsagip sa nagwawala ko nanaman na puso.
"Ay may program pa ba? Sige ako na sa opening prayer."
Tumayo si Jun at pumunta sa harap para magdasal pero inawat siya ng mga babae.
"Jun, hindi mo nga memorize ang Glory be. Yun na ang pinaka maiksi."
Ngumisi ako sa biro ni France. Gusto ko sana sumali sa usapan at barahin si Junjun pero katabi ko si Geriko kaya balisa nanaman ako.
"Ano naman sayo kung boyfriend ko ang isa sa mga kaibigan mo? Atupagin mo nalang ang girlfriend mo." I bawled at him.
Ang mga lalaki talaga gumagawa ng paraan para magmukhang masama ang mga babae.
Umalis siya para kunin ang isa pang bottle ng wine pero bumalik din ulit. He was wearing a hoodie that looks so expensive dahil ang kapal ng tela. Nakashort lang siya and slippers. Hindi na namin suot ang t-shirt kanina. Si Travis na ang may suot nito ngayon.
"Wag ka na mag deny, nakita ko sa IG stories mo." dagdag ko.
"You mean Rona? She's like a family friend." he said drinking his wine.
"Wala naman sakin yun. Ayoko lang na may humahalik sakin tapos may nasasaktan pa lang iba." I rolled my eyes while replying to him.
Tinuon ko nalang ang pansin sa mga kaibigan ko na nagkukulitan.
"Sige na nga, doxology nalang pala."
Nag-akmang sasayaw si Jun pero nakisali si Travis.
"I'll do the welcome address. Sino sa opening remarks?"
"Ako na sa closing remarks, para ngayon pa lang iclose ko na. Parang tanga kasi!" sigaw ni Liv sakanila.
Nakatingin sakin si Geriko habang pinapanood ko sila. Narinig ko na nilapag niya ang wine glass sa lamesa saka pumunta sa tapat ko habang naglalakad paalis.
"Akala ko ba what happens in elyu, stays in elyu?" he said in a very lustrous way, moving his brows up and down while walking away.
Nakakainis talaga si Liv, napapahamak ako sa mga sinasabi niya. What happened in Elyu will stay in my memory forever, that's the sad reality. I moved beside Avery and watch her continue the portrait na regalo niya sa birthday boy. Sinabi daw ni Travis na ipapaframe niya ng malaking size sa kwarto niya kaya pinapaganda ni Av.
Lumalalim na ang gabi, kaya naging abala ang lahat. Mikkel was filming Travis for his tiktok videos, sumasayaw ito habang hinihila paminsan minsan si Liv para sumama but my friend was resisting. Pagkatapos, kinuha ni Travis ang kanyang camera para kuhanan ng litrato si Mikkel at Liv. Nasa hagdan sila at mukhang mga super model habang kinukuhanan sila ni Travis sa ibat-ibang angulo.
Si France at Shawnel naman ay gumagawa ng vlog kasama si Jun. They were doing a booger challenge requested by Travis, walang choice si Shawn dahil birthday naman niya.
Meanwhile, I watched the two elite guys, Rhett and Geriko playing fortnite while drinking their beers. I sighed. Tumingin naman sakin si Avery.
"Stress ka na?"
Ngumiti lang ako habang pinapanood sila. Sumulyap sakin si Geriko kaya tumingin nalang ako kay Av.
"Wala pa yan. Ako nga kay Kael nagkaroon na ng white hair sa araw araw na misunderstandings." malungkot niyang sabi saka pinagpag ang papel, "Pero nagkakaayos din agad. Parehas kasi ang mundo namin."