Chapter 1

3.8K 50 2
                                        

"Rolene, yung baba mo abot ng underground."

Umirap ako kay Avery at tumingin sa mga estudyanteng dumadaan. Nakaupo kami sa giant steps main building ng SLU habang nagbabasa ng mga lecture. Dumalaw si Avery dito gamit ang lumang ID ni Liv, habang si France hinihintay pa lang namin. Galing pa ako sa kabilang building ng school dahil madalas na ako dito sa main. May hinihintay, may hinahanap, may inaabangan.

Patago akong tumingin sa salamin gamit ang cellphone ko para tignan ang itsura. Maayos pa naman, sadyang mahaba lang talaga yung baba ko pero naniniwala akong asset ko yan.

Nagpaalam ako sakanila na pupunta muna ng restroom para magretouch. Inayos ko ang aking eye shadow at nagdagdag ng mascara. Naglagay ulit ako ng gloss sa labi dahil mabilis mawala yung gloss na nabili ko hindi tulad sa gamit ni Jun. Nagulat ako nang pumasok si Avery at Liv na nanlalaki ang mga mata nang makita ako.

"Wow, chugug ang make-up. Prom mo girl?" natatawang sabi ni Av pagpasok dito. Dumiretso sa cubicle si Liv na kanina pa mukang zombie.

"Av, naalala mo yung nag elyu tayo," tumigil ako sandali para ibrush yung kilay ko.

"Oo, naisahan mo ako sa tuition, akala ko malilibre na ako."

"Nakasmokey eye kasi ako non, baka hindi ako makilala nung crush ko pag nagkita kami ngayon."

I saw Liv rolled her eyes. Tuwing nararamdaman ko kasi na pangit ako, pinapaalala niya na maraming naiinggit sa akin dahil hindi ko na kailangan ng make-up kasi natural daw ang ganda ko.

Lumapit si Liv para maghilamos. "That was six months ago."

"Truly, kay Kyle nga 2 months pa lang nakamove on ka na, si Bobbie wala pang 3 months pero crush mo na agad si Bryan. Tapos ngayon isang laplap lang 6 months ka ng hindi makamove on?" tuloy tuloy na sabi ni Av hanggang makalabas kami.

Sinabihan ko siya na hinaan ang boses pero parang hindi din naman kami maririnig ng tao dahil mas malakas pa ang pagrereview ni Liv.

"Hoy nagiging background music nang usapan namin yang skeletal system. Sa library ka kaya magreview." hinila ko si Liv na halos mabangga bangga na ng ilang students kakabasa niya sa makapal na libro.

Pagbalik namin sa giant steps, naabutan namin si France na nasisinagan ng araw at prenteng nakaupo suot ang ID lace ni Liv. Ang ganda talaga ng kaibigan niya. Ghinost yan ni Shawnel?

Hinintay namin si Liv na matapos ang klase, naisipan kasi ni France na kumain sa Bonabil, ang paborito dining place ng mga estudyante sa Baguio. Medyo marami ang kumakain kaya nag-antay pa kami sa labas.

"Kasalanan mo kasi to France!"

Tinutukso kasi nila ako na marami daw pera, dahil halos araw araw akong dumalaw sa main building ng SLU, malayo kasi dito ang Bakakeng.

"Paulit ulit mo ng sinasabi yan, na kasalanan ko, pero ano nakikita mo ba siya sa school?"

"Yun nga yung point, baka tinataguan na niya ako sa school, kasi hinalikan ko siya. Baka isipin non malandi ako kaya naturn off. Sino bang nagsabi sakin na flirt, kiss a guy, have fun." ginaya ko ang pagsasalita niya habang pumapasok kami. Tumingin ang ilang tao samin kaya hinila ako ni Liv sa bandang gilid para dun kami pumwesto.

"Dapat kasi pinagsasama mo yung advice namin n Liberty!"

"Sabi mo forever virgin ako kapag nakinig sakanya."

"Tama naman ginawa mo. All in! Pero girl nakalimutan mo ba ang sinabi ni Liv? Have fun in La Union only." she emphasized the last word

"Girls, ganito kasi yan." inayos ko ang upo ko at akmang magsasalita na para ikwento ang nangyari pero inunahan na nila ako.

#1 TATTOED BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon