Chapter 5

1.7K 31 1
                                        

@novytorres mentioned you in their story

Napasapo ako sa noo pagkakita na naka-tag sa akin. Nakita ko ang picture namin ni Rafa noong gabi na nagkita kami sa isla. Matapos kasi akong i-unfollow ni Geriko, hindi na ako naghanap pa ng signal hanggang Lunes nang makauwi ako.

'Happy Birthday Rafa, sana nagustuhan mo ang gift ko'

Napailing ako sa caption ni Novy. Kahit malalakas ang tama ng mga kaibigan ko, wala padin tatalo sa kanya. Nagkahiwalay na nga kami ng landas, hindi parin siya tumitigil na pagtripan ako.

Binuksan ko ang messenger pagkatapos mag offline nang ilang araw habang nasa isla. Buong gabi noong Linggo hanggang kahapon, inabala ko ang sarili sa pagkukwento kila mama tungkol sa mga nangyayari sa Baguio. Syempre hindi kasama don si Geriko.

Walang pasok ngayong araw kaya nagcellphone nalang ako maghapon sa dorm. Nakita ko na sinend din ni Jun at Liv ang screenshot ng story ni Novy. Kilala nilang dalawa si Rafa dahil nakasama sila sa outing ng mga kaibigan ni Novy noon. Hindi ko nalang pinansin dahil wala akong gana makipag-usap. Nakakabadtrip si Geriko.

Hindi ko talaga matanggap ang pag-unfollow niya sakin dahil lang sa inupload kong picture. Hindi naman makatarungan ang rason niya. Akala ko pa naman ay malalim siya mag-isip. Nakalimutan siguro niya na siya ang humalik sakin, baka gusto niyang isumbat ko sakanya lahat ng pagmomolestiya niya, na nagustuhan ko din naman..

Matapos ang kalahating araw na pagdedebate sa isang subject, tinawagan ako ni Liv para pumunta daw sa Korean Palace ngayon para sa lunch. Kasama daw ang mga kaibigan ni Travis. Does it include Geriko?

Nagtaxi ako papunta sa place. Inaayos ko ang sarili ko habang nasa sasakyan. I was wearing a high waist skinny jeans, black halter top and a gray cardigan dahil malamig ngayon. Nahirapan ako na hanapin sila sa loob since maraming tao ngayon dahil bukas na ang Panagbenga.

Kumaway sakin si Travis. Malayo pa lang, nakita ko na ang malawak niyang ngiti habang hawak ang flag na red kung saan nakalagay ang table number nila.

Sinalubong ako ng yakap ni France at nakipagbeso sa mga kaibigan ko. Kumaway ang mga lalaki sakin, pero si Travis, inalalayan ako sa pag-upo. Nagkatinginan kami sandali ni Geriko pero hindi nagtagal, umiwas din siya ng tingin.

Pagkaupo ko pa lang, naramdaman ko na kung gaano ka-awkward ang ambiance. Kaming magkakasama sa La Union ang nandito ngayon, tanging si Jun, Mikkel at ang tatlong lalaki na hindi ko alam ang pangalan ang wala dito. Tahimik silang lahat na kumakain, maliban kay Travis na nakangiting nagkukwento tungkol sa mga walang kwentang bagay.

"Bro, diba nasabi ko na sainyo nun, sakristian ako dati." pagkukwento niya habang masayang kumakain. "Grabe kinakain ng mga kasama kong sakristan yung ostia, ginagawa nilang meryenda, napakagago bro. Ako mabait pa naman kasi dati nung hindi ko pa kayo kilala."

Pinapanood ko sila kumain while obeserving the boys, since it was months of not seeing them too. Rhett was still dazzling in his neon green Adidas shirt, looking so expensive. Idagdag mo pa ang shades na suot niya ngayon. Tahimik siya, siguro dahil hindi padin nakakamove-on, ganyan na ganyan ang itsura niya noon nang makita ang picture ng ex niya.

Geriko was just eating formally. Si Shawn naman kumakain habang nagscroll sa phone, maingay din siya dati pero siguro ngayon ay nahihiya sa ginawa niya kay France. Sigurado ako na si Travis ang may pakulo nitong pagsasama namin lahat.

"France, oo nga pala, my buddy here, Shawn, has something to say..." seryosong sabi ni Travis habang sinesenyasan si Shawn na magsalita.

Tumingin saamin lahat si Shawn saka nagsalita. "I'm sorry France-"

#1 TATTOED BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon